Trending topic ngayon sa lahat ng social media sites ang Facebook story ng dating Mayor Herbert "Bistek"Bautista ng Quezon City.
Ito ay matapos makita sa kanyang story ang larawan ng isang magandang babae.
Naglingkod bilang Mayor ng Quezon City si Bautista mula 2010 hanggang 2019. Bago ito ay naging Vice Mayor muna siya ng parehong lungsod mula 1995-1998 at 2001 at 2010.
Masasabing maganda ang naging serbisyo ni Bistek sa kanyang nasasakupan dahil sa matagal na panahon na siyang nasa posisyon kung kaya't marami narin ang kanyang mga taga sunod maging sa personal o sa kanyang mga social media accounts.
Sa kanyang Facebook account ay mayroon siyang humigit kumulang 300k na followers.
Kung kaya't kahit ano man ang ipost ng dating Mayor ay talaga namang marami ang makakaalam at maipaparating niya ang kanyang mensahe sa maraming tao.
Nitong August 20, 2021 lamang ng gabi ay ginulantang ng isang facebook story ni Mayor Herbert ang lahat ng kanyang followers dahil ito sa larawan ng isang babae.
Ang babae ay may magandang hubog ng katawan at talaga namang nakakabighani.
Nakasuot ito ng facemask. Maging sa pribadong parte ng katawan nito ay facemask din ang kanyang ginamit bilang damit.
Dahil sa mapangahas na larawan ay kaagad kumalat ang balita. Marami ang hindi makapaniwala na magkakaroon ng ganitong post ang dating alkalde.
Dahil narin public official ito, hindi normal na makakita ng ganitong post mula sa kanya.
Kaagad naman umani ng maraming reaksyon mula sa netizen ang nasabing facebook story.
Sa huli ay kinumpirma ng kampo ni Mayor Bistek sa ABS-CBN news na na-hack umano ang facebook account ng dating Mayor kung kaya't may mga hindi kaaya ayang post na nakita ng madla.
Deactivated na ngayon ang Facebook page ng dating alkalde.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento