Ads

Ano kaya ang ginawa kay Antonette ng kanyang step-father kung kaya't ayaw na nitong umuwi sa kanyang ina?

 Matapos mag viral ang paghingi ng tulong ng ina ng girlfriend ni Whamos na si Dolly Gail upang mabawi ang anak nitong si Antonette sa vlogger, ay kaagad itong pinutakte ng komento ng netizens.

Marami ang nagkomento ng hindi maganda at sinabing dapat ay ibalik na ni Whamos si Antonette sa pamilya nito.



Hindi nagtagal ay nakarating sa tanggapan ni Raffy Tulfo ang paghingi ng tulong ni Dolly sapagkat menor de edad pa umano si Antonette.

Ibinahagi ni Dolly na ibinahay ng vlogger na si Whamos ang kanyang 17 anyos na anak.

Ipinakausap ni Raffy Tulfo si Dolly sa kanyang anak na si Antonette upang personal na pauwiin nito ang kanyang anak.


Sinabi ni Tulfo na kailangan umuwi ni Antonette sa puder ng kanyang ina upang hindi masampahan ng kaso si Whamos.


Agad namang dumepensa si Antonette at sinabing nagpaalam siya sa kanyang mga magulang bago sila magsama ni Whamos sa isang bubong.


Nagalit lang umano ang kanyang ina dahil ipinalabas sa programang KMJS ang kanilang istorya at pinakita rito ang pagsuporta ng kanyang ama.

"1 month na, nung nakita po nila yung daddy ko sa KMJS na interview ng suporta samin... dun po sila gumawa ng aksyon.

"Dapat po nung una palang na hindi sila suporta sa akin dapat nung una palang po pinatigil na nila (kami) nung una palang."

Matagal ng hiwalay ang ina at ama ni Antonette at may bago ng kinakasama ang kanyang ina.

Sinabi rin ni Antonette na kaya siya madalas lumalayas ng kanilang bahay ay dahil mínòmòlestya siya ng kanyang step father.

"Isa pa po kung bakit ayaw kong umuwi, ayoko talaga sabihin sa media to! Minòmòlèstyà po ako ng asawa nya!"

"Ilang year ko pong kinimkim 'yon! at ilang years po akong natráuma don"

Ayaw na umano sana niya itong sabihin ngunit napilitan na lamng siya dahil sa ginawa ng ina.

Mariing pinabulaanan naman ito ng kanyang ina at sinabing wala umanong ginagawa ang kanyang asawa sa dalaga.


Narito ang video:



About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento