Kakaiba talaga ang kapangyarihan ng netizens. Lalong lalo na sa paghimay himay ng mga ebidensya.
Dahil ito ay kasunod lang din ng viral din na mga litrato na may kasamang mystery girl si Paolo sa isang kainan sa Baguio.
Nagviral ang mga larawan isang araw lamang matapos ang naging interviewni LJ Reyes sa Youtube channel ni Boy Abunda.
Matapos pagpyestahan ng mg netizens ang nasabing larawan ay kaagad dinepensahan ni Cristy Fermin sina Paolo at Yen.
Pinanindigan ng sikat na kolumnista nao hindi umano sina Paolo at Yen ang nasa kumakalat na video at mga larawan.
Sinabi pa nitong huwag basta basta maniwala sa mga 'Marites' ng social media.
“Hindi po si Yen yung babae, lalong hindi po si Paolo yung lalake,” pagdidiin ni Cristy. Aniya, alam na daw nila ang tindig at galaw ng dalawa dahil nakikita nila ito sa personal.
Dahil sa pagtanggi ni Cristry na hindi sina Paolo at Yen ang nasa video, mas naging aktibo ang mag netizens sa pangangalap ng mga ebidensya na magpapaptunay na sila nga talaga ang nasa video.
May mga concerned netizens nga ang gumawa ng video compilation at makikita ang mga suot na tsinelas nina Yen at Paolo at tugma sa mga suot nila sa mga post nila sa social media.
Pati na rin ang mga suot ng dalawang celebrity na ito ay hindi pinalagpas ng mga netizens.
Ayon sa kanila, parehong naka puting shorts at naka suot ng face mask at faceshield ang dalawa. "Hindi kayo ligtas sa face mask at face shield sa mga mosang cctv.”
Narito ang mga karagdagang patunay ng mga netizens.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento