Marami ang natutuwa sa magandang chemistry nina Gino Roque at Heaven Peralejo.
Nag live sa Instagram ang dalawa upang i-promote ang kanilang bagong show na "Pasabuy" at talaga namang kinilig ang mga manonood dahil sa kanilang kakaibang chemistry.
Ang “Pasabuy” na pagbibidahan nina Heaven at Gino ay isang romantic comedy series na isinulat at dinirek ng aktor na si Xian Lim.
Samantala, marami ang nakapansin at nagsabi na napakaganda ng chemistry ng dalawang artista sa kanilang isinagawang live. Napansin din ng marami na kakaiba ang pakikitungo nila sa isa't isa.
Pinuri ni Heaven ang kanyang kapareha sa serye at sinabing mabait at gentleman umano ito. Kung kaya't nagbigay lalo ng kilig ang dalawa sa kanilang mga followers.
“Si Gino sobrang bait. Sobrang gentleman niya. I’m lucky to work with him, and sobrang swerte ng lahat ng mga makakatrabaho si Gino,” saad ni Heaven.
Ibibalik naman ni Gino ang papuri kay Heaven ng sabihin nito na isa si Heaven sa pinakamagagaling na aktres ng bansa.
“Working with Heaven is such a pleasure, she’s one of the best actresses in the country” Ayon Sa Ex-Pbb housemate.
Pinutakte nga samu't saring komento mula sa netizen ang pagsasama ng dalawa bilang love team.
May ilan na hanggang ngayon ay hindi pa rin gusto si Heaven dahil sa mga kontrobersiyal na nagyari at kinasangkutan nito.
Narito ang ilan sa ga komento.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento