Ads

Tyronia, kinaawaan ng netizens matapos magpropose ni Rob Moya sa kanyang girlfriend sa mismong harapan niya.

 Pinatunayan ni Toni Fowler na kaya niyang ipakita ang tunay at unconditional love.


Kahit na matagal ng hiwalay sina Toni at Rob at hindi maganda ang kinalabasan ng kanilang paghihiwalay, naging buo parin ang pagsuporta ni Toni sa dating partner matapos nilang magkaayos.


Nito lamang ay nagtrending ang bagong upload na vlog ni Rob kung saan sinorpresa niya ang kanyang bagong girlfriend na si Jennifer Del Rosario.


Si Toni pa mismo ang nag ayos at naging punong abala sa pagaasikaso sa lahat sa gagawing pag sorpresa. Sa mismong condo pa na tinitirang ng ToRo Family ginanap ang mismong pagsurpresa ni Rob sa kanyang kasintahan.

Ang single mom pa mismo ang nag ayos ng mga rose petals at ginawa niya itong hugis puso. Habang ginagawa nya ang bagay na ito ay hindi naiwasan ni Toni na ibahagi ang kanyang nararamdaman.

Ayon sa kay Toni, emosyonala ng kanyang pakiramdam dahil masaya siya dahil may bagong pag ibig na ang kanyang kinakasama noon. Ito umano ang kanyang hinihiling para kay Rob.

Aniya, aminado naman siya na sa buog pagsasama nila noon ng binata ay asaktan din naman niya ito. Ito umano ang paraan niya upang makabawi sa dating kinakasama, ang ibigay ang kanyang full support dito.

Maging ang anaka na si Tyronia na inalagaan din ng matagal na panahon ni Rob ay tumulong rin sa paghahanda ng sorpresa. Hindi umano alam ni Jennifer ang bongang sorpresa para sa kayan dahil akala niya ay simpleng meet up lang gagawin nila ni Toni.

Mahahalatang sa unang pagkikita pa lamang nila ay tila magaan na ang loob nila sa isa't isa. Sinabi pa ni Toni na masaya siya at hindi intrimitida ang bagong girlfriend ni Rob.


Nagpasalamat pa si Toni kay Jen dahil sa pagpapasaya nito sa dating partner na si Rob matapos ang masalimuot na bangayan nila noon.

May ilang mg netizens naman na tila naawa at nagsabing insensitive at hindi tama ang ginawang ito ni Rob na nagpatulong kay Toni upang isorpresa ang girlfriend niya.

May mga naawa din sa ank ni Toni na si Tyronia dahil awkward umano ito para sa bata. Anila, ginawa lamang ito ni Tyronia para sa nanay nya pero ang totoo ay masakit ang mga pangyayaring ito para sa bata.



Sana raw ay hindi na sumama si Tyronia sa pag sorpresang ito upang maprotektahan ang damdamin ng bata.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens sa mismong vlog ni Rob.








Panoorin ang video.


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento