Punong puno ng papuri ang namumutawi sa bibig ni Cristy Fermin para sa aktres na si AJ Raval at sa mga magulang nito.
Naikumpara ni Cristy ang aktres sa ibang mga artista na ayon sa kanya'y matataas na ang ihi o mayayabang kahit alam nila na sila na anga mali.
Ayon kay Cristy, “Ako pinuri ko siya (AJ) e, kahit sa column ko bukas. Pinuri ko siya kasi marami pong artista na maling-mali na, matataas pa ihi. Marami pong personalidad na buking na buking na pero nagmamalaki at mayabang pa.”
Dagdag pa nito “I’m sorry. Dadalawa lang pong salita ‘yan pero hindi po lahat ay nakapagbibitiw ng salitang ‘I’m sorry’. Mas madalas po nating bitiwan ‘yung tatlong salita na ‘I love you’. Pero ‘I’m sorry’ dadalawa, hindi pa natin mabitiw-bitiwan. Kasi po tinatalo tayo ng maling ego.”
Humanga si Cristy ang abilidad ni Aj na tanggapin at aminin ng kanyang pagkakamali at nagpublic apology sa Facebook.
“Marami rin pong personalidad na nagkakamali na hindi natin naaasahan ng paghihingi ng paumanhin. Pero eto ang isang AJ Raval, bata pa kung ituturing, pero tinanggap niya ang kanyang pagkakamali. Humingi siya ng tawad hindi lang kay Kylie kundi pati sa publiko at sa lahat ng naapektuhan sa kanyang pagse-share nu’ng ano ni Aljur.”
Maging ang mga magulang ni AJ na sina Alyssa Alvarez at Jeric Raval ay nakatikim ng matatamis na salita mula kay Cristy at pinuri ang dalawa dahil sa magandang pagpapalaki umano nito sa aktres.
“Hanga ako sa batang ito, hangang-hanga ako sa kanya. Bukod sa maganda na siya, maganda ‘yung disiplina, pagpapalaki sa kanya ni Jeric at saka ni Alyssa.”
Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:
Cristy Fermin, pinaulanan ng papuri si AJ Raval dahil sa maganda ugali umano nito.
Source: Pinoy Lang Sakalam
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento