Ads

Heart Evangelista hindi na nakapagpigil at minura na ang báshér na tumawag sa kanya ng 'baòg'

 Hindi na nakapagtimpi ang kapuso actress na si Heart Evangelista ng kanyang sarili matapos patulan ang mga bashers.


Hindi parin talaga tinatantanan ng kanyang mga kritiko si Heart  Evangelista. Palagi na lamang pinapansin o pinupuna ng mga ito ang hindi niya pagkakaroon ng anak.

Matatandaang nawalan na ng kambal na anak si Heart. Nakunan siya sa magiging anak sana nila ng politikong asawa na si Chiz Escudero. Tatlong buwan na ang kanyang dinadala ng mga panahong iyon ng nawalan ng heartbeat ang nasa sinapupunan ni Heart.

2018 nangyari ang ang hindi magandang karanasan na ito ni Heart at makalipas ang tatlong taon ay hindi na muling nagbuntis ang aktres.

Ilang ulit na rin sinabi ng aktres na kahit hanggang ngayon ay nasasaktan parin siya sa nangyari. Dagdag pa ni Heart, tila ba na-trauma na siya kung kaya't hindi pa niya kayang masundan ang kanilang nawalang kambal.

Kahit na bukas sa publiko ang malungkot na pinagdaanang ito ni Heart, ay hindi pa rin nawawala ang mga taong tila hindi nakakaunawa sa kanyang naging sitwasyon. Marami parain ang palaging kumekwestyon sa hindi niya pagkakaroon ng anak.

Nito lamang ay may isang netizen ang tumawag sa kanya ng 'baòg'. Sinabi ng netizen na ito sa isang komento na "Kahit ilang honeymoon pa yan baòg ka pa den d ka na magkakaanak,"


Halatang napikon naman si Heart sa komentong ito kung kaya naman hindi ito pinalagpas ng aktres. Nakapagsalita na rin ng hindi maganda si Heart dahil sa hindi katanggap tanggap na komentong ito.

Matapang na sagot dito ng aktres, “Ul0l- the only word you can understand.”

Marami ng beses na sumagot si Heart sa mga nambabatikos sa kanya, Kamakailan nga lang din ay sinagot niya ang mga nagsasabing kaya ayaw niya magbuntis ay dahil baka masira ang kanyang figure.

Aniya, “stop telling me to get pregnant unless you really want to hurt me. Nobody knows the real struggle. Also may I add life is good people I love are fine and everything else in between is ok so bonus nalang if I do conceive, again  it’s my body”


Samatala, narito naman ang latest vlog ni Heart kasama ang kanyang asawang si Chiz.



Heart Evangelista hindi na nakapagpigil at minura na ang báshér na tumawag sa kanya ng 'baòg'
Source: Pinoy Lang Sakalam

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento