Usap usapan ngayon sa social media ang bagong biling mamahaling motor ni Ion Perez.
Matatandaang galing sa hindi gaanong mayamang pamilya ang hunk celebrity na si Benigno Dungo Perez o mas kilala bilang Ion sa It's Showtime. Siya ay nakilala ng maging escort sa isang sikat na segment ng It's Showtime na Ms. Q.A. Sa nasabing segment ay nakasama niya si Ate Girl Jackie Gonzaga na kalaunan ay naging ka love triangle niya kay Vice ganda.
Noong una ay tila biruan at tuksuhan lang ang pagigig sweet ni Ion at Vice sa isat isa. Marami ang nag akala na ginagawa lamang ito ng dalawa para sa mga manonood.
Marami ang kinikilig sa tambalan nilang tatlo ni Jackie at Vice. Kasabay ni Jackie ay dito narin nagsimula ang sobrang pagsikat ni Ion. Marami ang sumubaybay sa kanila ni Vice dahil sa binibigay nilang saya at kilig sa madlang people.
Kasabay ng pagsikat ni Ion ay ang pag usbong ng relasyon nila ng Unkabogable Star na si Vice Ganda. Dito nga ay hindi na napigilan ang kasikatan ni Ion at naging kabi-kabila narin ang kanyang projects tulad ng pelikula at mga endorsements.
Ang una niyang pelikula na sinamahan ay ang Mang Kepweng na pelikula ng malapit na kaibigan ni Vice na si Vhong Navarro.
Todo suporta naman si Vice Ganda sa kanyang kasintahan sa bagong project nito. Sinabi niya na masaya siya para sa boyfriend dahil nagkaroon na ito ng pelikula.
Ang huli namang proyekto na napabalitang magbibida si Ion sa isang s3xy film na ginagawa nila ng s3xy vlogger-actress na si Sunshine Guimary.
Napabalita noon na magkakaron sila ng daring scene kung kaya't marami ang nag alala para sa relasyon nila ng showtime host.
Ngunit sinigurado naman ni Ion na si Vice lamang ang kanyang mamahalin. Samantala, sinabi naman ni Vice na sobrang proud sya kay Ion sa panibagong nakamit nito na proyekto at sinabi niya na nakuha ni Ion ang proyekto ng hindi ginagamit ang tulong niya.
Dahil sa dami ng natatanggap na trabaho ng hunk celebrity hindi nakakapagtaka na makabili ito ng mamahalaing mga gamit.
Kamakailan lamang ay nagpost si Ion ng kayang larawan sa instagram kasama ang bago niyang mamahaling motorsiklo. Ayon sa kanyang caption, "Levi 0.1"
Ion Perez, nag-flex ng katas ng kanyang pinaghirapan. Netizens hindi mapigilang mag react!
Source: Pinoy Lang Sakalam
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento