Magkakaroon ng bagong pelikula ang master rapper na si Andrew E at ang young séxy actress na si AJ Raval na anak ng batikang artista na si Jeric Raval.
Marami ng nagawang pelikula si Andrew E. at aminado siya na habang tumatagal ay nawawala na ang kinang niya bilang isang artista.
Kung kaya't marami sa kanyang mga taga hanga simula pa noong 90's ang natuwa sa kanyang pagbabalik pelikula.
Ang nasabing pelikula ay pinamagatang 'Shoot! Shoot! Di kita titigilan" na ginawa ng Viva films.
Naging usap-usapan ito sa social media dahil sa malaking age gap ng dalawa at halos kasabayan lang ni Andrew E ang ama ni AJ na si Jeric Raval noong magsimula itong mag artista.
May mga nagtanong pa kay Andrew E kung nagpaalam muna siya kay Jeric Raval bago nila gawin ang matinding kissing scene ni AJ.
“Sabay kaming nag-artista o baka mas nauna siya o hindi 30 years ago. I just can’t remember and we landed on both sides or opposing camps—Viva ako and OctoArts siya, di ba? “Hindi ako nagkaroon ng chance na magkaroon ng camaraderie o ng friendship kasi nasa ibang mother unit or mother studio ako. And TV wise hindi rin naman siya (Jeric) nag-TV, I think. And ako, paminsan-minsan lang, movie ang mas marami." Saad ng master rapper.
“But there was one day sa 30 years na yan, somehow 6 or 7 years ago nagkasama kami sa isang concert sa Jolo, Sulu. So doon ako nagkaroon ng chance na ma-meet siya,” kuwento ng master rapper at komedyante sa naging encounter nila ng ama ni AJ. Dagdag pa ni Andrew.
Ang pelikula ay ipapalabas sa streaming flatform ng Viva Films na Vivamax sa October 8. Makakasama nila rito ang mga magagndang leading lady ng Viva na si Sunshine Guimary at iba pa.
Narito ang video.
Netizens, pinakaguluhan ang kissing scene nina Andrew E at AJ Raval.
Source: Pinoy Lang Sakalam
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento