Ads

Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, masayang ibinahagi ang kanilang simpleng Civil Wedding


Marami ang nagdiriwang dahil ikinasal na nag kapuso power couple na sina Dennir Trillo at Jennylyn Mercado.


Nag isang dibdib ang showbiz couple sa pamamagitan ng isang simpleng civil wedding ceremony. Ito ay ginanap sa isang studio na pag aari ng Kapamilya superstar na si Kathryn Bernando sa Quezon City.


Ibinahagi ni Jennylyn sa isang Facebook post ang isang larawan kung saan tila ba ginanap ang kanilang simpleng kasalan. Sa ngayon ay deleted na ang nasabing Facebook post na ito.


Matatandaang ilang linggo pa lamang ang nakakalipas ay ibinuyag ng magkasintahan na si Jennylyn ay nagdadalang tao na.

January ng taong kasalukuyan ng ipagdiwang ng dalawa ang kanilang ikapitong taon ng pagmamahalan.


Sa kanilang kasal, makikitang terno ang suot na white suit ng couple sa espesyal na okasyon.


Marahil dahil narin sa pandemya ay mas pinili ng dalwa na maging simple ang kanilang kasala at tanging malalapit na kaanak lamang ang naging saksi sa kanialng pag iisang dibdib.

Halos walong taon na ang relasyon nina Dennis at Jennylyn sa January 2022.


Ayon sa kanilang vlog ay taong 2018 pa lamng ay pinaplano na nilang dalwa na bumuo ng kanilang sariling pamilya.

Magiging double celebration ito para sa bagong mag aasawa dahil ipinagbubuntis ng aktres ang magiging panganay nila ni Dennis.

Kasabay ng pag anunsyo nila ng pagdadalang tao ni Jen ay ang pagbabahagi rin nila na sila ay engage na.

Madamdamin ngunit simple lamang ang inihandang proposal ni Dennis sa bahay ng aktres.

Sinabi naman ni Dennis na hinintay muna siyang maging handa siya sa pagpapakasal bago siya humiling ng kasal sa aktres kung kayat inabot ito ng pitong taon.


Dahil narin sa maselang pagdadalang tao ni Jennylyn ay sinabi ni Dennis simula ng matapos ang kanyang teleseryeng Legal Wives sa Kapuso Network ay hindi na sya umaalis sa bahay at palagi lamang siyang nakbantay kaya Jennylyn.


Narito ang video



Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, masayang ibinahagi ang kanilang simpleng Civil Wedding
Source: Pinoy Lang Sakalam

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento