Isang malaking tanong ang bumabalot ngayon sa mga netizens dahil sa isang dalagang anak ni Sunshine Cruz.
Usap-usapan kasi ngayon sa social media na di umano'y nagdadalang tao raw ang isa sa mga anak nito. Ngunit sino nga kaya sa mga anak ni Sunshine ang tinutukoy ng mga tao at pinag uusapan ngayon?
Masayang ibinahagi ni Sunshine sa kanyang Instagram account ang mga larawan ng kanilang pagdiriwang ng kapaskuhan. Kasama niya ang kanyang nobyo, mga anak at ilang mga kaibigan.
Kasama rin nila ang isa sa mga Tiktok Star na si Esnyr Ranollo sa kilalang kilala sa pag gawa ng mga nakakatawang videos. Marami ang nakakarelate sa kanyang mg ginagawang video, lalong lalo na ang mga kabataan at high school students.
Samantala, naaliw ang mga netizens sa mga larawan ng pamilya ni Shine dahil hindi maitatanggi ang saya ng kanilang ipagdiwang ang pasko. Mababakas ang mga ngiti sa kanilang labi habang suot-suot ang mga cute na cute na Christmas hairband.
Ngunit, bukod sa kasiyahan ng pamilya ay may ibang napansin rin ang mga "Marites" nating netizens. Napansin nila na di umano ang isang dalagang anak ni Sunshine ay tila ba nagdadalang tao.
Ito ang usap usapan ng mga netizens, dahil umano sa suot nitong dress na parang pambuntis at sa hubog ng katawan nito na tila ba lumolobo ang tiyan.
Ang sinasabi nilang buntis a si Sam Cruz na isang singer, siya ay 17 years old at ikalawang anak ni Sunshine.
“Napadami lang daw ng kain, masasarap kasi handa nila kagabi. Naol,” komento ng iilan.
Walang pang pahayag na inilalabas galing sa pamilya ni Sunshine kung kaya’t hanggang ngayon, mananatili lamang itong issue.
17-anyos na anak ni Sunshine Cruz, usap-usapan ngayon na nagdadalang tao na!
Source: Pinoy Lang Sakalam
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento