Boluntaryong sumuko sa NBI ang Kapamilya actor-host na si Enchong Dee. Ito ay kaugnay ng kasong isinampa sa kanya ng isang babaeng kongresista.
Ayon sa isang source ng isang sikat na entertainment site na Fashion Pulis, kusang sumuko si Enchong sa NBI sa lungsod ng Quezon City kahapon ng hapon.
Ito nga umano ay kaugnay ng "wårrånt of årrést" na ipinadala ng mga awtoridad laban sa aktor, ilang araw na ang nakakalipas.
Matatandaang napabalitang pinuntahan ng kapulisan ang ibinigay na address nito sa kanila ngunit hindi umano ito natagpuan doon.
Sinasabing mali umano ang address na ibinigay ng aktor at nagtatago na umano ito.
Nag ugat ang nasabing problema ngsa isang twitter comment ng aktor tungkol sa naging magarbong kasal ni Congressswoman Claudine Dianna Bautista-Lim.
Matatandaang inakusahan ni Enchong ang kongresista na ginamit umano nito ang public funds para maisagawa ang kanyang sobrang engrandeng kasal sa isla ng Balesin.
Enchong Dee, sumuko na sa NBI kaugnay ng Cyberlíbêl case niya na worth 1 billion pesos!
Source: Pinoy Lang Sakalam
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento