Sinabi ni John Cabahug na nais na niyang ipangalan sa kanya ang mga anak ni Paolo Contis sa fiancé niyang si Lian Paz.
Kung susumahin kasi, si John na talaga ang nakagisnang ama ng ng dalawang bata na sina Xonia at Xalene dahil nasa dalawa hanggang tatlong taong gulang lamang ang mga ito ng magsama sina Lian at John. At daddy narin talaga kung tawagin ng dalawang bata si John.
Pagtatapat ni John, kasalan na lang daw talaga ang kulang at matibay na daw talaga ang relasyon nila ni Lian.
Noong nakaraang taon lamang ay nagpropose na siya sa dating EB Babe dancer. Ginawa niya ito kahit na hindi pa naga-grant ang annulment nito kay Paolo Contis.
Samantala, inamin naman ni John ang pagnanais niyang i-adopt legally ang dalawang anak ni Paolo kay Lian. Ngunit kailangan parin ang pagsang ayon ni Paolo sa mga ganitong usapin.
Ayon kay John, “Pero sabi ni Attorney, kailangan kasi ng signature ni Paolo. Sabi ko, baka hindi papayag ’yon. Pero ako, sobrang gusto ko.
“Kung p’wede lang, kung halimbawa si Paolo, hindi na siya ’yong magpa-pride…pero siyempre, nirerespeto ko rin ’yong proseso at saka siya, kung ano ang mga diskarte niya sa buhay." Pahayag pa ni John.
ad6
"Kaya sabi ko, in the right time siguro.”
Sinabi pa nga nito parang mga anghel daw sa buhay niya ang dalawang bata.
“Iba na rin ang relationship ko sa mga bata. Para kasi silang mga angels na dumating sa akin. Talagang sobra, parang anak ko na talaga sila.”
Kahit hindi man sa legal na paraan sa ngayon ay anak narin daw talaga ang turing ni John kay Xonia at Xalene at masaya na umano siya sa ganoong set up sa ngayon.
Samantala, narito naman ang video ng love story nina John at Lian.
John Cabahug, nais nang åmpúnìn ang dalawang anak ni Paolo Contis kay Lian Paz
Source: Pinoy Lang Sakalam
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento