Marami ang nagtatanong tungkol sa tunay ng estado ng relasyon nina Markki at Marvin. Maingay na pinag uusapan ito ngayon dahil sa mgatravel photos nila na palaging magkasama.
May mga kumalat pa nga sa twitter na mga tweet ng netizen kung saan nakita umano nila ang mga ito na palaging magkasama, mapa abriad man o sa Pilipinas.
Nagkaroon ng pagkakataon si Cristy Fermin na makapanayam si Markki sa kanyang programang Cristy Ferminute nitong linngo lamang ito ay diretsong sinagot ng aktor ang mga sinasabi sa kanila ng mga tao.
Nilinaw ng Kapuso actor na magkaibigan lang talaga sila ni Marvin at wala ng hihigit pa umano roon.
“In terms of Marvin… Marvin, friend ko iyon. Hanggang ngayon, friend pa rin kami. And in my opinion…” panandalian nag isip si Markki.
Ngunit inamin din ni Markki minsan ay on-and-off daw ang friendship nilang dalawa ni Marvin.
“And minsan we’re good friends, and minsan hindi masyadong good friends.
“Minsan hindi na kami okay. Minsan okay pa kami.”
Pagbabahagi pa ng aktor, hindi umano siya mahilig magbahagi ng kanyang personal na buhay at relationships sa ibang tao.
Ngunit mariin niyang pinabulaanan ang mga intriga sa idinadawit sa kanila ni Marvin.
Narito ang kabuuan ng panayam ni Cristy Fermin kay Markki.
Markki Stroem, matapang na inamin ang totoong relasyon nila ni Marvin Agustin.
Source: Pinoy Lang Sakalam
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento