Isa si Allan Padua o mas kilala bilang si Mura sa talaga naman sumikat noong early 2000. Naging kapareha siya ng noo'y sikat na na si Mahal.
Ipinakilala siya sa tao bilang kakambal ni Mahal dahil sa kanilang malaking pagkakahawig.
Maraming oprtunidad ang pumasok sa buhay ni Mura kung kaya'y naging matagumpay ang pag pasok niya sa showbiz ng mga panahong iyon.
Bumida siya sa ilang teleserye tulad na lamang ng Darna (2009), Wapakman (2009) at Volta (2004), Supahpapalicious (2008)at marami pang iba.
Aniya, kumita talaga siya ng sapat upang masuportahan ang kanyang pamilya sa tulong mga proyektong ito. Hindi rin umano siya makapaniwala na mararating nya ang ganoong kasikatan lalo pa't ginawa siyang side kick ni Vhong Navarro.
Inakala ni Mura na magtatagal siya sa showbiz at hindi na matatapos ang magagandang nangyayari sa kanyang karera.
Ngunit may hindi inaasahang nangyari sa kanya. Dahil noong 2010 ay naaksidente si Mura na naging dahilan ng pagkakaroon niya ng diperensya sa kanyang binti at doon na nagsimulang tumamlay ang kanyang karera.
Nag intay umano si Mura na matawagan muli para mabigyan ng shows ngunit tila wala ng interesado sa kanya.
Kung kaya't noong naaksidente siya ay napunta ang lahat ng kanyang ipon sa pangtustos ng kanyang pamilya at pampapagamot niya.
Naging mahirap ang buhay ni Mura, at bumalik na lamang siya pagtatatnim ng mani. Nagkaroon narin siya ng iba't ibang karamdaman.
Isang sikat a vlogger na mayroong 1.4 million subscribers na nagngangalang Virgelyn Cares ang nakakita sa kaawa-awang kalagayan ni Mura.
Tinulungan niya itong makapagpagamot at bigyan ng kabuhayan.
Dahil din dito ay naabot ang dating onscreen partner na si Mahal ang kalagayan ni Mura at sya nitong pinuntahan si Mura.
Marami ang naawa kay Mura kung kaya't nakatanggap ito ng maraming tulong mula netizens lalo na sa mga OFW.
Hinikayat rin ni Virgelyn si Mura na mag umpisa ng kanyang vlog sa Youtube upang magkaroon siya ng pagkakakitaan.
Kung kaya't nailunsad ni Mura ang kanyang channel at tinawag niyang mga Ka-legit ang kanyang mga tagapanood.
Sa isang live ni Mura sa kanyang channel noong January 20, 2022, kinumusta niya ang kanyang mga taga subaybay. Sinabi niyang maari silang magtanong ng kahit ano sa kanya.
May natanong kung kumusta o naguusap paba sila ni Virgelyn dahil hindi na sila nakikitang magkasama sa isang vlog.
Prankang sinagot ni Mura ang katanungan at sinabing "Hindi na po kami nagkakausap ni Mama Virgelyn e, hindi na po kami nagkikita so...okay na po siguro sya don."
"Ano na po sya ngayon.. nasa taas na po eh, di ko na maabot. Nasa bulkan na po yata, di ko na maabot napakataas" dagdag pa ni Mura.
May nagkomentong netizen na huwag umano siyang magsalita ng masama kay Virgelyn dahil malaki ang natulong nito sa kanya.
Sumagot naman siya na, "syempre naman malaki ang tulong na naibigay niya saakin, pasalamat din ako sa kanya. Hindi ko naman sya inaano" Saad ni Mura.
"Nailabas ko lang din ang aking saloobin, ofcourse naman malaki ang binigay sakin ni Virgelyn"
Sinabi ni Mura na umabot sa P150,000 ang naibigay sa kanya ng nagmalasakit na vlogger.
"Natural naman yun na magbigay sya, vlogger sya eh. Papano nga naman lalaki yung kanyang viewers ang kanyang subscribers kung hindi siya pumunta sa amin. Di ba? doon sya kumita ng sobra sobra. Yung binigay nya sakin tulong nya yun, at tulong ko narin sa kanya kaya naging mataas 'yung subscribers nya."
Dagdag pa ni Mura, dapat daw ay walang sisihan sa lahat ng ilalabas niya at kung natulungan sya ni Virgelyn at mas natulungan naman daw nya ito.
Narito ang video ng matapang na mga pahayag ni Mura.
Mura Padua, walang utang na loob, pinagsalitaan ng hindi maganda si Virgelyn Cares.
Source: Pinoy Lang Sakalam
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento