Sobrang kalungkutan ang naramdaman umano ni Cristy Fermin dahil sa hindi magandang napaginipan tungkol sa Queen of all media na si Kris Aquino.
Sa pinaka huling episode ng radio and digital program ni Cristy na Cristy Ferminute, napag usapan nila ng kanyang partner sa show si Kris Aquino.
Naging topic parin nila ang kalagayan ng kalusugan ni Kris ngayon at ang hindi magandang hiwalayan nito kay Mel Sarmiento.
Habang idenedetalye ni Cristy ang naging dahilan ng pananahimik ng ex fiancé ni Kris na si Mel tungkol sa kanilang relasyon. Bigla na lamang may naalala ang beteranang kolumnista na di umano'y hindi magandang panaginip.
Kwento ni Cristy nalungkot umano siya sa naging pananginip niya noong Sabado dahil nakita nya di umano ang pumånåw na si Kris.
“In fact, nung Sabado nung umaga, ang lungkot ko nung gumising ako. Alam ng mga kasambahay ko yan, lalo na si Gemma. Alam ni Japs, alam ni Tina” Saad ni Cristy.
Dagdag pa nito, “Paggising ko, shocked na shocked ako, napanaginip ko namatay si Kris Aquino. Idinala daw siya sa sa ibang bansa, hindi naman sinabi kung Singapore o Amerika”
“Nakadalawang-linggo daw siya sa ospital pero pumånåw rin”
Yun ang aking panaginip, lungkot na lungkot ako. Kasi bago ako natulog, binigyan ko siya ng mahabang panahon ng panalangin”
“Para kung meron man milagrong darating, sana masambot niya ang isa. Para gumanda ang pakiramdam niya,” mahabang pahayag ni Cristy.
Dagdag pa ni Cristy ay malamang daw ay hahaba pa ang buhay ni Kris dahil ang mga panaginip ay kasalungat umano sa tunay na buhay.
Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy.
Pagkamåtåy ni Kris Aquino, napanaginipan umano ni Cristy Fermin!
Source: Pinoy Lang Sakalam
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento