Ads

Isang college degree holder minaliit ng kapitbahay dahil sa nagtitinda na lamang ng ulam.

 

Sa panahon ngayon kung hindi ka madiskarte ay hindi ka kikita ng pera upang mabuhay. Marami ang nawalan ng trabaho sa maliit o malaki mang kumpanya dahil sa pandemya.

Ngunit hindi parin talaga maiiwasan ang mga mapanghusgang tao sa panahon ngayon lalo na kung hindi propesyunal tignan ang isang tao pag nagtatrabaho.


Hindi lahat ng tao ay may bukas na pag iisip upang tanggapin ang kahit anong trabaho basta marangal at wala kang tinatpakang tao ay dapat ipagmalaki.

Isang bachelor's degree holder ang minaliit ng ibang tao dahil sa pagtitinda ng pagkain.


Ayon sa kanyang facebook post, ipinagtanggol ni Andrew Pineda ang kanyang sarili dahil maraming tao umano ang nangmaliit sa ginagawa ng pagtitinda.


Marami umano ang nagtatanong at nagtataka kung bakit hindi sya ngatuturo gayong graduate sya ng kursong Education. Aniya mahirap makahanp ng trabaho sa panahon ng pandemic lalo nat sarado ang mga eskwelahan. Tinutulungan din umano nya ang kanyang ina sa pagtitinda upang mapakita na sya ay isang edukadong tao at gusto nyang tulungan ang kanyang magulang hanggat nabubuhay ito.



"Diba Kumuha ng kursong Educ yan? Hindi pa ba siya nagtuturo? Hala, sayang dapat maghanap kana work.
“PANDEMIC” sa tingin niyo po ba ganun kadali maghanap ng work?
Opo tindero, kami mama ko taga tinda ng almusal at ulam pero sa ganitong paraan napapakita ko pong edukado ako at hanggat nabubuhay ang magulang ko patuloy ko po silang tutulungan at susuportahan. Ang mahalaga may silbi at sense tayo sa lipunan"


Dagdag pa nya gusto nya akainspire ng ng kabaan tulad niya, gusto nyang iparating na hindi nakakahiya ang pagtitinda. Sinabi rin nya iwasan ang pag iinarte at dapat maging madiskarte sa panahon ngayon. Sinabi rin nya na panatilihin natin ang ating kababaang loob kahit ano na ang narating natin sa buhay.


"I just want to try insipire others especially mga kabataan to be educated enough about sa hindi nakakahiya ang pagtitinda at lalong lalo na sa hanap buhay ng ating magulang kaya iwasan mag inarte dapat maging madiskarte lamang tayo sa panahon ng kagipitan wag tayo magcomplain kung bakit ganito? ganyan? Tandaan po natin na masama ang magkumpara at dapat stay humble lang tayo kahit ano pa ang marating natin sa buhay. Spread goodvibes Thank You😇."



Narito ang kanyang buong post.



Sadyang nakakainspire at nakakabilib ang istorya ni Andrew. May kilala o alam ka bang kwento na tulad o nahahawig dito? i-comment mo sa baba.





Isang college degree holder minaliit ng kapitbahay dahil sa nagtitinda na lamang ng ulam.
Source: Pinoy Lang Sakalam

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento