Hindi na babalik bilang main host ang batikan at haligi ng Pinoy Big Brother na si Toni Gonzaga.
Isinagawa niya ang anunsyo ngayong araw sa kanyang opsiyal na instagram matapos siyang maghost ng Uniteam Grand Rally.
Labing anim (16) na taon ding naging main host ng Pinoy Big Brother si Toni kung kaya't sanay na ang mga manonood na siya ang nagpapatakbo at humahawak sa programa.
Hindi naman malinaw sa mga manonood at mga fans ang tunay na dahilan ng pag alis ng naturang host sapagkat magandan naman ang relasyon nito sa kanyang mga boss at kanyang network na ABS-CBN.
Matatandaang nakatanggap ng matinding pambabatikos ang pamilya Gonzaga lalo na ang mag asawang Toni at Paul Soriano dahil sa pag suporta nila sa tambalang BBM-SARA.
Kaalyado kasi ng ng nasabing tambalan ang kasalukuyang administrasyon. At ito ang nagpasara sa ABS-CBN kung saan umani ng kasikatan ang Gonzaga sisters.
May mga tumawag pa sa kanya na "My Amnesia Girl" dahil tila nakalimutan na nito umano ang ginawa ng kasalukuyang administrasyon sa ABS-CBN.
Maraming natanggap na hindi magandang salita mula sa mga netizens sina Toni. Nariyan na lamang na wala umano silang utang na loob, hindi sila nag iisip dahil pag nanalo ang mga ito ay lalong hindi magbubukas ang ABS-CBN.
Kung kaya't ganito na lamang ang pagpupuyos ng ilan sa napiling suportahan ng mga Gonzaga.
May isang tweet pa na nagtrending kailangan na umanong mag resign na talaga ni Toni para magkaroon siya ng delikadeza.
Inendorso ni Toni ang kanyang kasamang host na si Bianca Gonzalez na pumalit sa kanya bilang main host ng kanyang programa.
Ayon sa kanyang post, "It has been my greatest honor to host PBB for 16 years" Dagdag pa ng batikang host masaya siyang masilayan ang kanyang mga dating housemates na maging mga host rin ng PBB at isa ito sa best moment ng kanyang buhay.
"Today, I'm stepping down as your main host" ayon pa kay Toni.
Hindi nya umano makakalimutan ang mga memories na naipon nya habang naghohost ng programa.
Samantala, naktanggap naman ng suporta si Toni sa kanyang mga co-host sa naturang show. Isan na riyan sina Mariel Padilla at Bianca Gonzales at ilan sa mga kilalang personalidad.
Wala pang inilalabas na pahayag ang pamunuan ng ABS-CBN tungkol sa pagbibitaw ni Toni sa Programa.
Matapos mag-host ng Uniteam Grand Rally, Toni Gonzaga hindi na babalik bilang host ng PBB
Source: Pinoy Lang Sakalam
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento