Hindi maitago ni Mommy Dionisia ang pagaalala dahil sa pagtakbo ng kanyang anak na si Manny bilang presidente ng Pilipinas.
Isa sa mga nagsalita si Mommy D sa ginanap na proclamation rally ng kanyang anak sa Oval Plaza Grandstand ng General Santos nitong nakaraang February 8 2022.
“Noong tumatakbo pa siya for the first time dito sa General Santos. Umiyak ako kasi ilang sako na ng pera ang nakita kong nawala,” pahayag ni Mommy D.
“Sabi pa ng mga amiga ko, ‘Mommy, ang anak mo bigay nang bigay ng pera, baka maubos ang kuwarta!’”
“Tapos ito presidente na, sabi ko ‘Manny, iba na talaga to kasi buong bansa na, mas malaki pa sa bariles [tuna] ng GenSan!”
Habang nakikinig sa sinasabi ng kanyang ina ay wala namang magawa si Senator Manny kundi matawa na lamang rito, maging mga kasama nila sa entablado at mga taga suporta na naroon sa kanyang proclamation rally ay labis na naaliw sa ina ng Pambansang Kamao.
Ngunit sa kabila ng mga biro ni Mommy D ay mahahalata namang buo ang suporta niya sa nais makamit ng kanyang anak.
Dagdag pa ni Mommy D, handa umano siyang tulungan at bigyang suporta ang kanyang anak sa kahit anong laban nito lalo na ang laban sa pinakamataas na posisyon sa buong bansa.
Narito ang video.
Mommy Dionisia, malaki ang pangamba na baka maubos agad ang pera ni Manny Pacquiao!
Source: Pinoy Lang Sakalam
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento