Hindi nagustuhan ng dancer-host na si Sugar Mercado ang mga kumakalat na balita na may relasyon umano sila nga TV host na si Willie Revillame. Mariing itinanggi ito ng dancer-host.
Hindi umano alam ni sugar na may mga ganitong isyu na kumakalat ngayon sa social media. Ayon kay Sugar, hindi niya lubos maisip na mali-ink ang pangalan nya sa beteranong host lalong lalo na at parang tatay na umano ang turing niya rito.
Sinabi ni Sugar sa isang panayam, “Para ko nang tatay iyon, para siyang tatay sa lahat, kuya siya ng lahat.
“So, mao-open mo sa kanya lahat, tsaka sobrang bait niya.
“Ako, kahit anong mangyari sa future or what, ipagdadasal ko siya lagi, araw-araw, na humaba pa yung buhay niya dahil sobrang ang dami pa niyang matutulungan na taong salat sa buhay tsaka gusto ng pag-asa.”
Ibinahagi pa ni Sugar na mapagkakatiwalaan si Willie sa lahat ng bagay dahil sa kabaitan nito.
Dagdag pa nito, ipinagdarasal nya umano si Willie na sana ay magka-lovelife na ito. Hinihiling nya na sana ay dumating na yung right one na totoong nagmamahal at mag aalaga kay Willie.
Pinagdiinan rin ni Sugar na wala silang relasyong dalawa at bilang boss at kaibigan lang ang turing niya rito. Natatawa na lang umano siya sa isyung ito at nakikiusap siya na sana ay itigil na umano ng mga tao ang paggawa ng ganitong mga chismis na walang basehan at katotohanan.
Unang nakilala si Sugar Mercado sa longest running noontime show na Eat Bulaga! bilang myembro ng sikat na sikat na dance group noon na Séxbòmb girls.
Matapos maalis sa Eat Bulaga! ay nakitaan naman siya ni Wil ng potensyal bilang maging isa sa mga host ng kanyang show.
Sugar Mercado, matapang na ibinunyag ang totoong relasyon nila ni Willie Revillame.
Source: Pinoy Lang Sakalam
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento