Prank gone wrong ang ginawa ng mga vloggers na ito na maaring maharap sa patong-patong na kasò.
Usong uso ngayon sa mga vloggers ang pag gawa ng mga pranks. Karaniwan na nakakatuwa, nakakainspire o surpresa ang kinakalabasan ng mga pranks pag ginagawa ito ng mga vloggers sa kanilang mga manunuod.
Naging talamak na ang pag gawa nito at karamihan ay hindi na nakakatuwa ang kinalalabasan nito.
Sa panahon ngayon, marami rami naming vloggers ang nagsusulputan sa social media. Marami sa kanila ay hindi talaga dapat tularan ng mga manunuuod lalo na ng mga kabataan. Tulad na lamang na tatlong vloggers na ito.
May isang video ngayon na nagviral sa social media na umabot sa mahigit 6 million views. Sa video, makikita ang mga lalaki na may hinahabol na isang tao na nakasakay sa isang sasakyan. Ayon sa kanila, nakabanggå umano ang kanilang hinahabol sa isang pedestrian sa Marikina River Park.
Anila, nahabol naman nila ang nagmamaneho ng sasakyan at nakompronta na ng nabangga umano nito. Makikita pa sa video na lumabas ang nagmamaneho ng sasakyan at naglabas ng båríl at bínåríl umano ang kumompronta sa kanila.
Dahil sa makatotohanang pag acting nga mga vloggers, maraming netizens ang nag akalang totoo talaga ito at i-shinare pa sa kanilang social media accounts. Pinapahanap pa nila ang may ari ng sasakyan pero sa huli ay nagulat sila ng malaman na prank lang pala ang lahat ng ito.
Humingi ng tawad ang tatlong lalaki na kinilalang sina Jonathan Esquillo, Joseph Josef and Jonathan Tablante. Ngunit tila huli na ang lahat kahit na humingi pa sila ng tawad.
Patong-patong na kasò ang maaring kaharapin ng tatlong vloggers. Ito ang Article 154 of RPC (Unlawful use of means of publication and unlawful utterances) in relation to R.A 10175 (Cybercrìmė Law); Article 155 (Alarm and Scåndål); at Unjust Vêxåtìòn.
Narito ang video.
Vloggers, nahaharap sa patong patong na kåsò dahil sa prank na ginawa sa kalsada
Source: Pinoy Lang Sakalam
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento