Sa panahon ngayon, marami nang makabagong paraan upang kumita ng pera. Marami ang nahuhumaling sa mga trabaho online at kung paano nga ba kikita rito.
Inamin ni Atong na kumikita siya ng bilyon-bilyon kada buwan mula lamang rito.
Si Atong Ang ay kilalang businessman at gaming tycoon. Siya ay kilala sa mundo ng e-sabong. Malaki ang inilalabas niyang puhunan mula sa e-sabong at bilyon-bilyon naman ang kanyang kinikita.
1 Bilyon hanggang 2 Bilyon ang inaabot kada araw ang perang pumapasok sa pustahan.
Idinetalye ni Atong ang lahat ng tungkol sa e-sabong at ang kita ng kanyang kumpanya nang sya ay naimbitahan sa senado para sa isang Senate Inquiry. Kaugnay ito ng kasong pagkawĂ¥lĂ¥ ng 34 na mga sobongero na ngayon ay natagpuan na umanong wala ng buhay.
Ayon kay Andrea Domingo, ang chairman ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) hindi bababa ng 640 Million kada buwan ang kita ng e-sabong mula Enero 2022.
Nagkakaroon ng pursyento ang ating gobyerno sa e-sabong operation. Ngunit sinabi ni Senator Franklin Drilon, mas maliit ang napupunta sa gobyerno kung ikukupara sa kinikita ni Ang.
Sa ngayon ay pursigido ang mga Sendor na ipahinto ang opersyon ng e-sabong sa bansa hanggat hindi pa nareresulba ang kaso ng mga nawawalang sabongero.
Narito ang video.
Negosyanteng si Atong Ang, inaming 3 BILYON kada buwan ang kita nya sa e-sabong
Source: Pinoy Lang Sakalam
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento