Matagal naring nagpapasaya ng mga Pilipino ang vlog nila Donita Nose at Super Tekla.
Unang nagkatagpo ang landas ng magkaibigan ng pareho silang maging host ng programa ni Willie Revillame na Wowowin.
Simula ng mamaalam sila sa programa ay tuloy parin ang kanilang pagkakaibigan at nagkaroon nga sila ng sarili nilang Youtube channel.
Nasangkot man sa marami issue si Tekla, hindi parin siya iniwanan ng kaibigang si Donita bagkus ay tinulungan nya itong makaahon at makapagsimulang muli.
Ngunit usap usapan ngayon ang paghihiwalay ng landas ng dalawa.
Sa kanilang live sa Youtube channel nilang Donekla In Tandem sinabi ng dalawa na mayroon silang pinagdaraanan ngayon.
Nagkaroon daw sila ng malalang away na hindi napapansin ng nakararami dahil hindi rin naman nila ito isinasapubliko.
Ayaw raw nila na magparinig sa pamamagitan ng pagpopost at nais lamang nila na sa sarili lamang nila ito.
Ayon kay Donita kinakausap raw niya ang kanibigang si MC Muah ng Beks Batallion at dito humihingi ng payo.
Marami sa kanilang fans ang naghahanap sa dalawa dahil amatagal na itong hindi nakakapaglabas ng bagong video at ito ang dahilan kung bakit kinailangan nilang ilantad ang kanilang di pagkakaunawanan.
Ngunit napag usapan umano nila na sayang ang kanilang pinagsamahan at malapit na silang mag 1 year anniversary at magkaron ng tatlong milyong subscribers.
Kung kaya't nagusap sila at nakapagdesisyong ituloy ang kanilang Youtube channel at ang nasimulang pagkakaibigan.
"Sabi naman nya (Tekla) na magbabago na sya, parang yung isip nya na 'O sige te hindi ko na gagawin yan, ito na wag kang mag alala sige ayusin natin to'.
"Nung sinabi niyang ganon ako naman willing naman ako ayoko rin naman na parang sayangin lang." Dagdag pa nito.
Sinabi ng dalawa na hindi ito prank at totoo na may mga issue silang dalawa at labis ang kanilang naging hindi pagkakaintindihan.
"Oh ayan ah!, hindi po yan prank ah." Saad ni Tekla.
"Hindi po ito prank" Ayon kay Donita"
"Parang ang hirap na nilang paniwalain na 'nako hindi totoo 'yan." Sambit muli ni Tekla
Sinang ayunan naman ito ni Donita."Hindi po ito prank totoo po talaga na gusto na naming mag hiwalay."
Sa huli, sinabi ng dalawa na napagdesiyunan nila na ayusin ang lahat at magsimulang muli. Inanyayahan nila ang lahat dahil magkakaroon sila ng anniversary concert kasabay ng pagdiriwang nila ng ika tatlong milyong taga subaysabay.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento