Ads

Madam Inutz, maaring mademanda dahil sa pagbali ng kontrata sa Star Image.

May pananagutan nga ba si Madam Inutz sa biglaang pagtalikod niya sa kanyang pinirmahang kontrata sa Star Image Artist Management?


Ito ang binuksang usapapin ng isang abogado na si Attorney Ranny Randolf B. Libayan sa kanyang pinakabagong vlog.

Ginulat ni Daisy Cabantug a.k.a Madam Inutz noong  August 13, 2021 ang lahat ng biglaang pag pirma niya sa Star Image Artist Management.

Marami sa mga followers at taga hanga ni Madam Inutz ang hindi nagustuhan ang hakbang na ginawa ng online sensation. Ayon sa mga netizens, gagamitin lang siya ng nasabing ahensya dahil sa kanyang biglang kasikatan.

Ang Star Image Artist Management ay may hawak sa mga viral internet star na sina Buknoy Glamurr, Gabo Adeva at Xander Ford na kilalang mga pasaway na mga personalidad sa internet.

Kung kaya't nag react na ang ilan sa mga internet star tulad ni Madam kilay at mga netizens na mali umano ang naging biglaang desisyon ni Madam Inutz na magpamanage sa Star Image.

Dahil dito, makalipas lamang ang tatlong araw ay inanunsyo ni Madam Inutz sa kanyang Facebook live na umalis na siya sa Star Image. 

Aniya, nadala lamang siya ng matinding emosyon at natuwa sa  mga nangyayari kung kaya't hindi na niya napagisipan ang kanyang naging desisyon.

Dahil sa pakikinig sa mga kaibigan pamilya at taong bayan nakita nya ang mga mali at hindi dapat nakasaad sa kontrata matapos niya itong ipareview sa isang nagmagandang loob na abogado.

Unang una na rito ang walang expiration na kontrata. Na dapat ay apat na taon lang ayon sa kanialnag napagkasunduan.Naisip umano niya kaagad na kung wala siyang proyekto ay wala siyang kikitain.

Hiningi pa umano ng management ang kanyang personal na numero upang ito na daw ang sumagot ng mga inquiries sa kanya. 

Hindi daw pala ito tama ayos sa abagadong tumulong sa kanya dahil personal na gamit na niya iyon. Marami ang nag alala kung ano na ang magiging epekto ng mga pangyayari kay Madam Inutz.

Sa vlog na ibinahagi ni Atty. Libayan ibinahagi nito na ang isang kontrata ay sang batas at hindi dapat baliin. May mga pananagutan umano si Madam Inutz sa pagbali niya sa kontratang pinirmahan.

Ngunit ipinaliwanag ng abogado na maaring maging null and void and isang kontrata dahil sa kawalan ng meeting of minds o hindi pagkakaintindihan.

Sa parte ni Madam Inutz tila hindi niya naiintindihan ang kanyang mga pinirmahan dahil nadala na sya ng kasiyahan at bugso ng damdamin.

Dagdag pa ni Atty. Libayan, tila namanipula ng Star Image ang online sensation dahil hindi pa ito sanay sa mga kalakaran sa industriyang pinasukan.


Narito ang vlog ni Atty. Libayan.


About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento