Naging maingay nanaman ang pangalan ng isa sa pinakasikat ng na vlogger ng bansa, ito ang online couple na Jamill na binubuo nila Jayzam Manabat at Camille Trinidad.
Nitong August 19, 2021, naging trending topic sa lahat ng social media sites ang magkasintahan. Napabalita ang biglang pagkawala ng kanilang Youtube channel.
Kung kayat marami ang nagulat at nalungkot ng mababalita ang biglaang pagkawala ng kanilang Youtube channel.
May mga nagsabi na istilo lamang ito ng magkasintahan upang mapagusapan upang dumaming muli ang nanonood ng kanilang vlogs.
May mga nagsabi na nagtatago na ang Jamill dahil nag anunsyo na ang BIR na susuyurin ang mga vloggers na hindi nagbabayad ng buwis.
Marami naman ang nagkomento na baka nais lamang ng dalawa ng pribadong buhaya kung kaya't binura nila ang kanilang channel.
Dahil sa dami ng haka-haka ay hindi napigilan ng Jamill na sumagot. Sa isang Youtube channel na Jamill Vlogs ay inupload nila ang isang video kung saan ipinaliwanag nila kung bakit nabura ang kanialang Youtube channel.
Ayon kay Jayzam, gusto na nila ni Camille ng simpleng buhay at ayaw na nila na masyadong mataas at marangyang pamumuhay. Nais umano nila na sila na lamang ang nakakakita sa kanialanga relasyon at ayaw na nilang may ibanag taong nakikisawsaw.
Dagdag pa ng dalawa nais nilang patunayanna hindi ang kanilang Youtube channel ang dahilan kung bakit sila nagsasama at nagamahalan ngayon.
"Kahit mawala ang channel namin kami parin" Saad ni Jayzam.
Ayon pa sa vlogger nagising na lang sya at sinababi na lamang ng kanyang girlfriend na si Camille na deleted na ang kanialang channel.
"Nagkasubukan kami kagabi hanggang sa nagkadeletan ng channel, magkasama parin kami. Magkasama parin kaming natulog." Dagdag pa nito.
Ikinwento rin ni Jayzam na nakipagugnayan sila sa Youtube upang maibalik ang kaniang channel.
"Ngayon mga kaigan kinontak namin ang Youtube para maibalik yung channel. Nagrequest kami ng recover sabi naman nila ibabalik daw. Sabi naman ng Youtube bakit daw nadelete sabi ko e nagkatampuhan po kami."
Ayon sa Youtube kailangan lang daw nila mag intay ng ilang araw upang maibalik ang kanilang channel.
Ngunit hindi nagtagal ay tumawag muli ito sa kanila at sinabing hindi na daw talaga maibabalik ang kanilang channel. Sa puntong ito ay biglang nanghinayang ang dalawa sa mga memories na kanilang nabuo sa tulong ng kanilang channel.
“Nabalitaan namin, hindi na daw talaga maibabalik… So, wala na,” pahayag ni Jayzam.
Sa huli ay humingi ang dalwa ng pang unawa at respeto sa kanilang naging desisyon. Nangako naman silang magiging aktibo parin sila sa kanilang ibang social media accounts.
Narito ang reaksyon ng mga netizens.
Narito ang video:
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento