Trending ngayon sa social media ang na post ng Ina ni Heaven Peralejo na si Luanne Peralejo matapos nitong matapang na sagutin ang isa sa mga post ni DJ Chacha.
Matatandaang kamakailan lang ay trending ang pangalan ni Heaven dahil sa pag lantad nito ng kanilang relasyon ni Kiko Estrada.
Si Heaven di umano ang dahilan ng paghihiwalay ni Kiko at dati nitong girlfriend na si Devon Seron.
Kumalat ang issue ng magpost ang nakatatandang kapatid ni Devon at maging kaibigan nito tungkol sa pang aĂ¡gĂ¡w di umano ni Heaven.
Nariyang itinag pa ng mga fans ni Devon si Heaven sa mga post nito.
At mariing itinanggi ni Heaven ang mga paratang sa kanya ng mga fans ng Ex-girlfriend ni Kiko.
Noong una ay may mga lumalabas lamang na mga sweet na larawan ang dalawa na tila dumalo si Kiko sa family reunion nila Heaven.
Ngunit ngayon ay ginulat nila Kiko at Heaven ang madla ng lantarang i-post ng dalawa ang sweet na
sweet na mga larawan nila sa kani-kanilang Instagram account.
Dahil sobrang nagtrending ang balita, marami ang nagpost ng kanilang haka-haka at opinyon sa nasabing isyu. Isa na rito ang post ng radio Dj na si Dj Chacha.
Nagbigay payo ang sikat na DJ sa kanyang twitter post. Ayon sa kanya "Wag nyong kaugalian ang mang agĂ¡w ng jowa o makiepĂ¡l sa relasyon ng iba."
"Makakasanayan nyo yan. Hanggang sa pagtanda madadala nyo yang ugali na yan."dagdag pa nito.
Kaagad na umani ng maraming reaksyon sa social media ang radio DJ. Partikular na rito ang mga fans ni Heaven Peralejo na talaga namang ipinagtanggol ang dalaga.
Sagot pa niya wala naman daw siyang sinabing pangalan sa post niya.
"Kapag walang name drop wag mag-assume na para sayo ang post. Kapag tinamaan ka, hindi na kasalanan yun ng nagpost ibig sabihin non’ guilty ka. Ganon lang yon."
Dahil sa post ang hindi na pigilang mag-react ang nanay ni Heaven at diretsahang itinag si DJ Chacha.
“Wag puro parĂnĂg tapos pag sìnugĂ²d kayo ng fans sasabihin nyo wala kayong minention. Oo para sayo to @dj_chacha”
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento