Hindi nakaligtas kay Oyo boy Sotto ang isang netizen na nagkomento ng hindi maganda tungkol sa asawang nitong si Kristine Hermosa.
Nitong mga nakalipas na araw lamang ay binati ni Oyo ang panganay na anak nila ni Kristine na si Kiel na nagdiwang ng ika-13 na kaarawan nito.
Sinabi ni Oyo sa kanyang Instagram post, “I thank the Lord for 13 years of your life here on earth. You are such a blessing to us Kiel. I may not be perfect but always remember that Dada loves you so much! I pray that as you go through your teenage years, you will seek the Lord all the days of your life. I love you Kiel! Happy birthday! Let’s create more good memories! I’m excited for you”
Marami sa mga followers at fans ng mag asawa ang bumati sa binatilyo ng maligayang kaarawan.
Sa dinami rami ng komentong natanggap ng post ni Oyo, may isang natatanging komento siyang sinagot.
Sinupalpal ni Oyo ang nasabing komento sapagkat mayroon itong hindi magandang sinabi tungkol sa kanyang asawa at anak.
Tila hinaluan ng netizen ng intriga ang nasabing pagbati nito sa anak nila na si Kiel.
Ayon sa komento ng netizen, “Anak yata ni Kristine to sa ibang lalaki happy birthday Kiel.”
Saad ni Oyo, “Babati na lang po kayo, mali pa ang chismis. Walang ibang anak ang asawa ko sa ibang lalaki. Mag research po kayo ng maigi o kaya naman magbasa po kayo. ”
Samantala binati rin ng aktres si Kiel. Damang dama ang sinseridad ng aktres sa kanyang Ig post.
Masaya at proud ito kay Kiel at sa lahat ng ginagawa ng binata.
"Walang aksidente kay God. Hindi aksidente na binigay ka niya sa amin.. na ikaw ang naging daan sa matinding training namin bilang magulang.. 😊Thank you for always trying to be better and for understanding our shortcomings. You are a good and obedient son, Kiel.. don’t forget that. God has a great plan for your life, always obey and honor Him in everything you do. Happy 13th birthday, Kiel! We, your family are just here for you.. ❤️ We are proud of you. Your siblings are all looking up to you and are all cheering you on. They adore you so much, Kuya. Please lead them well. ❤️ We love you! #Kiel #13 #OfficiallyATeen"
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento