Inamin ng dating direktor ng It's Showtime na si Direk Bobet Vidanes na hindi na niya nakakausap ang karamihan sa mga hosts ng It's Showtime.
Nito lamang ay ibinahagi ni Direk Bobet sa kanyang bagong noontime show na Lunch Out Loud ang tunay na dahilan kung bakit siya umalis sa ABS-CBN at It's Showtime.
Ayon sa kanya hindi na healthy ang trabaho niya sa kanyang dating noontime show. At hindi na umano siya masaya sa kanyang ginagawa.
Matapos ang pagtalikod sa ABS-CBN at sa programa, hindi nagtagal ay lumipat din ito sa TV5 upang maging creative producer ng noontime show na Lunch Out Loud na katapat ng It's Showtime.
Nang tanungin ang direktor kung ano nga ba ang dahilan ng kanyang pag alis sa dating show ay ganito na lamang ang naging sagot ni direk.
“I don’t know pero, ang naramdaman ko rin kasi talaga parang hindi nila ako kailangan doon. TĂ²xĂc na, e. Sad to say pero yun yung totoo talaga.”
Isiniwalat din nito ang mga problemang kinakaharap ng dati niyang programa.
“Dati po kasi, ako ang lider dun. Tapos, ang dami nang lider. Lahat po, gusto nang maging lider. So, it’s not good,” rebelasyon ni Direk Bobet.
Inamin ng direktor na pinutol na niya ang komunikasyon niya kina Vice at Vhong at sa iba pang hosts ng It's Showtime. Ito daw ay upang wala na siyang maimpluwensyahan sa kanyang pag lipas.
"Pag ako lumipat baka sumama pa sila and you don't like that. Ayaw ko din naman 'yon"
Natatakot umano si Direk na pag nakausap nya ang mga ito ay magsilipat din sila tulad niya.
Tanging si Jhong Hilario na lamang umano ang nakakausap niyang hosts ng It's Showtime.
Hindi man binanggit ni direk, hindi maipagkakaila na tila may samaan sila ng loob nina Vice Ganda at Vhong Navarro.
Direk Bobet Vidanes, ayaw ng kausapin sina Vice at Vhong at iba pang hosts ng It's Showtime.
Source: Pinoy Lang Sakalam
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento