Iba talaga ang level of generosity ni Wilbert Tolentino pagdating sa kanyang alaganag si Madam Inutz.
Ito ag ilan lamang sa mga komento ng mga netizens ng kay Mashie Wilbert ng sabihin nito na niregaluhan niya ng bahay at lupa ang kanyang alagang si Madam Inutz.
Sa vlog ni Mama Loi, ikinwento ni Wilbert ang mga ito matapos siyang batikusin ng mga netizens at sabihing ginagamit lang umano niya ang kasikatan ni Madam Inutz para sa sariling kapakanan.
Matatandaang sumikat si Madam dahil sa kanyang kakaibang istilo ng pag oonline selling sa facebook.
Marami ang aliw na aliw sa kanyang pagiging kalog at maka masa kung kaya't minahal agad siya ng publiko.
Ipinakita niya ang kanyang tunay na ugali sa harap ng napakaraming online viewers at hindi siya nahihiya rito. Tinawag nya ang kanyang mga fans na 'ĂnĂ¹tĂl'.
Dito na nga nagsimula ang lahat at binansagan sya bilang Madam Inutz ng mga tao. Marami sa mga sikat na vlogger ang nais agad na makacollab sa kanilang mga vlogs ang instant online star.
Agad nga siyang kinuha ng Star Image Artist Management. Pero ilang araw lang ang lumipas ay kumalas agad siya dito.
Hindi nagtagal ay binisita siya ng mayamng vlogger na si Wilbert at bigyan siya ng pera upang maitulong sa pagpapagamot ng kanyang inang may sakit at pagdagdag sa kanyang negosyong ukay ukay.
Sinabi pa ng businessman-vlogger na 88 square meter ang laki ng lupa na binigay niya kay Madam.
Ipapaayos niya daw ito at gagawing tatlong palapag para sa pamilya ni Madam Inutz.
Pumasok si Madam Inutz sa Pinoy Big Brother upang matupd ang mga pangarap nito para sa kanyang buong pamilya.
Panoorin dito ang kabuuan ng pahayag ni Wilbert Tolentino at pati na din ang update sa bahay ni Madam Inutz:
Wilbert Tolentino, inamin na niregaluhan niya ng malaking bahay at lupa si Madam Inutz
Source: Pinoy Lang Sakalam
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento