Ads

Ivana Alawi, handang ubusin ang lahat ng kanyang yaman para lang gumaling ang kapatid na si Mona.

Isang babaeng handang ibigay at gawin ang lahat para sa kanyang pamilya, Family-oriented.

Ito na lamang talaga ang masasabi ng marami sa atin tungkol kay Ivana nang mapanood ang interview niya sa vlog ng showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz.

Sa panayam si Ogie sa actress-vlogger, una nilang pinagusapan ang mga pinagdaanang rejections ni Ivana. Lahat umano ng pinagdaanan niya ay ginawa niyang inspirasyon upang lalo pang magsikap sa buhay.

Sinabi pa ng dalaga na kuntento na umano siya sa mga bagay na meron siya ngayon at wala na siyang ibang mahihiling pa.

Pinagusapan din nila ang ang labis na paghanga niya sa aktor na si Joshua Garcia. Agad namang umamin si Ivana na nagkakausap silang dalawa ni Joshua through direct messages sa Instagram.

Ngunit nilinaw naman ng aktres na wala pa silang romantic relationship at getting to know each other stage pa lamang sila. Nag-uusap lamang umano sila bilang magkaibigan.

Pag amin pa ng aktres, si Joshua ang isa sa pinapangarap niyang makatrabaho in the near future. Dagdag pa niya, hindi parin sila nagkikita in person.

Sa bandang huli ng panayam ni Ogie kay Ivana ay napagusapan naman nila ang kapatid nitong si Mona.

Matapang na sinabi ng aktres na handa siyang ibigay ang lahat ng meron siya mapabuti lamang ang kalusugan ng kapatid.

"Ubusin ko lahat. I don't need money for my family's health.. so lahat yun bibigay ko" emosyonal na pahayag ni Ivana.

Bukas naman ang pamilya ni Ivana sa pagsasabi na may sĂ¡kĂ­t na diĂ¡bĂ©tĂ©s ang kanyang nakababatang kapatid. Nagtetake na ito ng insulin at mismong si Mona na daw ang umaayaw sa gamutan ngunit hindi niya ito pinapakinggan.


Umiiyak na lamang umano siya sa tuwing makikita ang kapatid na pinaghihinaan ng loob. Sa puntong ito ay naging emosyonal na si Ivana.

Dagdag pa ng vlogger, palagi niyang sinasabihan si Mona na lumaban kahit puro sakit ang nararamdaman nito sa kanyang katawan.


Sa huli sinabi ni Ivana na ang kanyang pamilya ang kanyang inspirasyon sa buhay.


Panoorin ang kabuuan ng panayam kay Ivana.





Ivana Alawi, handang ubusin ang lahat ng kanyang yaman para lang gumaling ang kapatid na si Mona.
Source: Pinoy Lang Sakalam

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento