Marami ang nakapansin na tila ba double meaning ang mga hugot ng bagong Kapuso na si Bea Alonzo sa programang 'Bubble Gang.'
Matapos pumirma ng kontrata ng box office queen at showbiz gem na si Bea sa GMA Network noon Hulyo ay kabi-kabila na ang mga guesting at proyektong nakalinya sa kanya. Isa na nga rito ang pag-guest sa flagship comedy program ng naturang network.
Marami ang napabilib ni Bea sa kanyang pagbisita sa show ilan na rito ang mga pambatong komedyante ng Kapuso Network sa pangunguna ng comedyy genius na si Michael V.
Talaga namang nakipagsabayan daw ang pinakabagong kapuso sa pagpapatawa ng buong cast ng Bubble Gang. Hindi umano nagpatalbog si Bea at talagang pinatunaan nitong pwedeng pwede siyang mahging komidyante.
Hindi naman itinanggi ng ilan sa mga cast ng naturang show na na-stratruck sila kay Bea.
Sa isang interview sa isa sa mga mainstays ng gag show na si Faye Lorenzo, siniguro niya na mapapahanga tayo ng drama queen sa versatility nito bilang isang artista, dahil amy ibubuga talaga ito pagdating sa comedy.
“Parang kahit saan po siya ilagay puwede kayang-kaya niya po. Kahit mahaba po ‘yung script, [walang problema] kayang-kaya niya." Ayon kay Faye.
“Kasi nakausap ko si Kuya Betong [Sumaya], ka-eksena niya si Kuya Betong humanga rin sa kanya, kasi nga ang haba nung script niya wala man lang buckle. Hindi niya nalimutan, so grabe ang galing po.” Dagdag pa nito.
Ipinakita na sa publiko ang teaser ng nasabing episode ni bea sa programa at tila mayroong kakaibang hugot si Bea. Ito ay tungkol sa isang ex na inagaw umano sa kanya ng iba.
Kaagad naman itong nag-viral at patok na patok sa ang mga hirit niya sa netizen. Anila, bagay na bagay daw kay Bea ang mga linyang iyon.
Sinabi pa ng mga netizen na double meaning umano ang mga linya ni Bea sapagkat nangyari na ito sa kanyan sa totoong buhay.
Narito ang teaser ag bubble gang kung saan nag guest si Bea Alonzo.
Bea Alonzo, may hugot nga ba sa isang comedy skit tungkol sa isang Ex inagaw umano ng iba?
Source: Pinoy Lang Sakalam
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento