Ads

Ivana Alawi, inamin na nagkakausap sila ng kanyang crush na si Joshua Garcia 'as a friend'

Sa isang panayam kay Ogie Diaz, kinikilig na inamin ni Ivana Alawi na nagkakausap sila ng Kapamilya leading man na si Joshua Garcia. 

Hindi naman lingid sa publiko na si Joshua ang ultimat crush ni Ivana. Nabunyag ito dahil sa isang prank ng pamilya ng vlogger sa kanyan ng i-celebrate nila ang 2nd anniversary nito sa Youtube.



Maraming inihandang sorpresa ang kapatid ni Ivana na si Mona. Isa na rito ang compilation ng video greeting ng mga malalapit na kaibigan ng aktres kasama ang greetings ng crush nito na sina Joshua Garcia at Liza Soberano.



“Follow me on Instagram! Kidding aside, I just hope you and your family are safe.”Bahagi ng mensahe ni Joshua kay Ivana.

Kung kaya't ng makapanayam ni Ogie ang sikat na vlogger ay hindi nito pinalampas ang pagkakataong itanong ang tungkol kay Joshua.

Tila tinotoo nila ang pag follow sa isa't isa. Pag amin ni Ivana, mayroon silang direct message (DM) sila sa isa't isa.


Ngunit nilinaw ni Ivana na wala pa silang romantic relationship at nasa getting to know stage pa lamang sila. Minsan lamang sila nagkakausap as a friend.


Dahil sa mga binitawang pahayag ni Ivana, mahahalata sa kanya na tila papayag siya kung sakaling ligawan siya ng aktor.

Pagtatakang tinanong ng talent manager kung bakit fanatic sya kay Joshua gayong malki rin naman ang kanyang pangalan sa industriya.


Sumagot naman si Ivana na “Para sa akin kasi, I’m a normal person. Meron akong mga crush, meron akong girl crush, and marami akong hinahangaan. Normal sa akin.”

Sinabi pa ni Ivana na si Joshua ang pinapangarap niyang makatrabaho  in the near future. Pag amin pa niya, hindi pa sila nagkikita sa personal.


Inisa-isa din ni Ivana ang mga nagustuhan niya kay Joshua.


“Cute yung mukha. At saka mabait siya. Nakita ko parang family-oriented, pero hindi ko masabi kasi hindi ko pa nami-meet personally.”


Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang kwentuhan:




Ivana Alawi, inamin na nagkakausap sila ng kanyang crush na si Joshua Garcia 'as a friend'
Source: Pinoy Lang Sakalam

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento