Ads

Xian Gaza, ipina billboard sa South Korea ang pag aya ng date kay Jennie ng Blackpink.


 Hindi na talaga mapigilan ang pag hanga ng sikat na businessman na si Xian Gaza sa isang miyembro ng sikat na girlband sa South Korea na Blackpink.


Ito ay matapos ipa-billboard ng binata ang pagnanais niyang makasama sa isang date ang sikat na super star.


Sa kanyang post sa mismong personal na Facebook account ni Gaza, sinabi niyang si Kim Jennie Ruby Jane ang kanyang ultimate crush kung kaya't inaya nya ito ng date.


Ayon sa caption ng kanyang post, "Kim Jennie Ruby Jane, you are my ultimate crush. "Can I take you out to dinner and make me the happiest man alive?"


Tila desperado na si Xian dahil sa mismong sentro ng South Korea niya pinalagay ang naturang billboard. Sinabi pa nito ang mismong address ng naturang billboard.


"Billboard Location: 62, Noksapyeong-daero 11-gil, Yongsan-gu, Seoul, Republic of Korea"



Sinabi ni Xian na hindi niya umano alam kung paano niya kokontakin ang Blackpink memeber kung kaya't naisipan niya itong ipa-billboard sa mismong sentro ng South Korea na malapit lang sa headquarters ng YG Entertainment na humahawak sa career ng sikat na girl group.




"I don't know how to contact her kaya pina-billboard ko na lang sa puso ng South Korea, few kilometers away from BLACKPINK's YG headquarters."






Hindi lang ito ang unang beses na naging bokal si Xian sa kanyang feelings para kay Jennie sapagkat binalak pa niya umano itong regaluhan ng magandang bahay at lupa sa South Korea.





Ngunit ng ianunsyo ng Management ng Blackpink na hindi na tatanggap ang girlgroup ng mga regalo ay hidi na niya ito itinuloy.



Aniya mabuti na lamang daw at hindi pa siya nakapag down rito.




Nakilala si Xian sa mga ganitong style ng pag aaya ng date sa mag sikat na babae sa showbiz.


Una na riyan ang pagpapabillboard nito para lang maaya niya ng coffee date sa aktres na si Erich Gonzales.



Pagaalok niya ng kotse kay Nadine Lustre upang kanyang maging valentine's date.



At pag aalok niya ng second hand na kotse sa isang Tiktok Star na si Yukii Takahashi.




Samantala, umaasa naman si Xian na makarating kay Jennie ang kanyang panyaya at pumayag ito na makasama siya ng kahit isang gabi lamang.







Xian Gaza, ipina billboard sa South Korea ang pag aya ng date kay Jennie ng Blackpink.
Source: Pinoy Lang Sakalam

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento