Ads

Food panda rider na bisikleta ang gamit sa pagdedeliver, inibutan ng tulong ni Jane De Leon

Tila ba naging real life superhero ang bagong gaganap na Darna na si Jane De Leon dahil sa pagtulong niya sa isang Food Panda rider. Ito ay naging usap-usapan kamakailan.





Kailan lang inanunsyon na ang aktres ang gaganap na Darna ngayon. Ngunit hindi pa man nagsisimula ang iconic na serye na kanyang gagawin ay nauna nang naging "Darna" ang aktres sa totoong buhay.


Sa Facebook, nagpost ang isang nagngangalang Hershey Manuel at makikita sa mga larawan na binisita ng Kapamilya actress ang nasabing Facebook uploader.

Isang Food Panda rider si Hershey na kamakaian lang ay nagviral dahil nagbigay inspirasyon siya sa maraming netizens. Nagdedeliver si Hershey ng mga pagkain gamit lamang ang kanyang bisikleta. Noong gabing iyon ay kasama niya nag kanyang anak.
Makikita pa sa nagtrending na post ni Hershey na pinapadede pa niya ang kanyang  anak habang nakaupos ito sa harapang basket ng ginagamit niyang biskleta.
Hindi nagtagal ay kaagad na nagviral ang post at marami sa mga netizens ang nagbigay ng tulong sa kanila.



Bukod sa mga tumulong na netizens, nagbigay naman si Jane ng diaper, gatas at maraming grocery items na malaking tulong umano sa kanilang pamilya.


Sa pinakahuling post ni Hershey makikita pa nga na kinarga pa mismo ng aktres ang kanyang baby. Dahil sa kabaitang ipinamalas ni Jane ay nagpasalamat ito sa mga natanggap niya mula sa aktres





“Na starstruck” pa daw sila maging ang kanyang baby sa aktres.

Makikita din na nakipag kwentuhan pa ang bagong Darna kay Hershey sa 1 minute video Facebook live nito.



Food panda rider na bisikleta ang gamit sa pagdedeliver, inibutan ng tulong ni Jane De Leon
Source: Pinoy Lang Sakalam

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento