Ads

Vice Ganda, ipinagmalaki ang yaman at achievements nya sa kanyang mga báshers

Marami ang tumaas ang kilay sa pinaka huling post ni Vice Ganda tungkol sa kanyang mga bashers.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na isa si Vice sa mga personalidad na madalas makatanggap ng pamimintas o panunuya mula sa mga netizens. Laging napapasin ng mga ito kung anong meron at kung may mali ba kay Vice.


Maging ang relasyon nito kay Ion Perez ay hindi rin nakaligtas sa mapanghusgang mga mata nila.

Dahil dito nagpost si si Vice sa kayang social media account at pumatol na sa mga intrigreang netizens na ayaw siyang tantanan. Ngunit kakaiba ang paraan niya ng gawin nya ito.


Dahil ipinagmalaki niya kung ano ang meron siya.

Ipinagmalaki ni Vice sa kanyang viral video ngayon online. Ayon sa kanya, “Oh my god! Ang fresh ko ngayon. And I realized ang laki pala talaga ng na-improve ng hitsura ko kumpara dati, ‘no? Wow!

“And I also realized upon checking my checkbook, mas marami pala akong pera ngayon, mas yumaman pala ako this year.” Dagdag pa nito.


Pinagmalaki rin ng Unkabogable star ang magandang takbo ng relasyo nila ng kanyang long time partner na si Ion. Nito lamag ay nagdiwang sila ng kanilang third anniversary bilang magkasintahan.

Saad pa ni Vice , “And also, I checked my room, andun pa rin yung dyowa ko nagpapahinga."

“Yes, kami pa rin. Masaya pa rin kami. Three years na.” Proud na pagbabahagi nito.


Ibinida pa niya na masayang masaya siya sapagkat napasa nanaman niya ang kanyang ina at may mga bago nanaman siyag awards. Matapos niyang sabihin ito ay kinumusta niya ang kanyang mga báshérs at tinanong kung maganda din ba ang buhay ng mga ito.


“Now I wanna check on my bashers. How are you guys?

“Mas marami ba kayong pera ngayon? Mas maganda ba kayo kaysa dati?

“May dyowa ba kayo? Masaya ba kayo? Kumusta nanay niyo? Pamilya niyo? Okay ba kayo?

“May mga bago ba kayong achievements?”


Sa huli ay sinabi pa ni Vice Ganda, ipagdadasal na lamang niya ang mga kawawang bashers niya para umasenso naman. 



Vice Ganda, ipinagmalaki ang yaman at achievements nya sa kanyang mga báshers
Source: Pinoy Lang Sakalam

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento