Nito lamang ay naospital ang bunsong anak ng aktres na si Karen Reyes. Dahil dito ay nagbigay siya ng babala sa mga kapwa niya ina.
Nagpost si Karen sa kanyang Instagram account kamakailan lang at ibinahagi ang nangyari sa kanyang bunsong anak na si Lukas.
Mahaban ang naging caption ni Karen at dito ay inilahad niya kung gaano kahirap magkasakit ngayong panahon ng pandemya. Lalong lalo na sa mga bata.
Ayon sa post ni Karen, “November 4, nung nilagnat si Lukas akala ko non sa pagod lang November 5 lunchtime, kumakain pa siya at nakakadede. Nung hapon I noticed ang pamumula ng gums niya.So when I checked it up, nakakita ako ng mga singaw hanggang sa lalamunan. So ako na singawin sabi ko mawawala din. So I gave him paracetamol lang for the fever.”Aniya, kumunsulta agad siya sa doktor online at binigyan ng gamot ang kayang anak. Ngunit nahirapan din umano siyang painumin ito ng gamot sapagkat walang laman ang tiyan nito.
“Nov 6 I’ve decided na ipa-teleconsult na siya so binigyan siya ng antibiotic. Ang hirap niya painumin dahil una, walang laman ang tiyan niya, pangalawa masakit ang bibig niya!” kwento pa ni Karen.
Ngunit nahihirapan na talaga ang kanyang anak kung kayar nagdesisyon na siya na isugod na ito sa ospital.
Ngunit kailangan pa rin nilang maghintay ng 24 oras para hintayin ang resulta ng swabtest. At laking pasasalamat nito na negatibo ang resulta ng test ng kanyang anak.
Nang maipasok na nila sa ospital ang kanyang anak ay dito na nila nalaman na nababalutan na pala ng singaw ang bibig nito.
Kung kaya naman ay hindi na napigilan ni Karen na magbigay babala sa mga kapwa mommies na maaring makaranas ng ganitong sitwasyon.
“Sa mga mommies out there, ‘wag nating balewalain ang mga mga singaw kahit isang maliit lang yan dahil pwede siya magspread sa bibig since it’s viral.”
Narito ang kabuuan ng kanyang post:
Karen Reyes, nagbabala sa mga kapwa nya mommy dahil sa malùbháng sinapit ng kanyang anak.
Source: Pinoy Lang Sakalam
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento