Ads

Sino nga ba ang nagpapatibok ng puso ni Angeline Quinto na ama ng kanyang ipinagbubuntis ngayon?



 Sino nga ba ang ama ng ipinagbubuntis ni Angeline Quinto at ang misteryosong lalaking nagpapatibok ng kanyang puso ngayon?


Ito ang nais malaman ng marami matapos kumpirmahin ng sikat na Kapamilya singer actress na siya ngayon ay limang buwan ng nagdadalang tao.


Nagkaroon ng panayam si Angge kay Boy Abunda, at dito ay inamin niyang non-showbiz ang kanyang boyfriend at mayroon na itong dalawang anak.


Kung kaya't naging palaisipan sa mga netizens kung sino nga ba ang ama ng ipinagbubuntis ni Angge.

Ayon sa mga balita, ang lalaki ay nagngangalang Nonrev Pelayo Daquina na 26-anyos lamang umano.


Sinabi pa sa naunang balita ng PEP.ph ay mayroon na umanong tatlong anak na babae si Nonrev mula sa dalawa nitong kinakasama noon.

Ayon pa sa source ng PEP.ph, nagkakilala umano ang dalawa sa pamamagitan ng isang common friend sa tindahan ng motorcycle parts.

Noong nagkakilala umano sin Angge at Nonrev ang kasalukuyang may kasintahan ito. Noong panahong din iyun ay may trabaho sa isang casino ang lalaki.


Nakilala ng ilan ang dating nobya ni Nonrev na si Elisha. Ayon sa babae ay naniniwala siya na-ghost siya ni Nonrev dahil kay Angeline.


Ayon kay Elisha, nag-inuman umano sina Angeline at Nonrev kasama ang iba a nilang mga kaibigan sa isang gastropub noong July 22 ng nakaraang taon.



Sinabi pa nito na nakatira lamang si Nonrev sa tabing riles ng tren sa Sampaloc, Manila.



Samantala, naka-private ang account ni Nonrev sa Instagram, pero makikita ritong pina-follow siya ni Angeline.





Sino nga ba ang nagpapatibok ng puso ni Angeline Quinto na ama ng kanyang ipinagbubuntis ngayon?
Source: Pinoy Lang Sakalam

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento