Ads

500k a month na sustento sana ni Gretchen kay Claudine bakit nga ba hindi natuloy?

Hindi umnao natuloy ang 500k a month na sustento sana ni Gretchen Barretto para sa kanyang bunsong kapatid na si Claudine Barretto.


Ito ay pinaka latest chika ng batikang talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang isang vlog update.



Ayon kay Ogie, hindi lamang daw nasunod ang ilan sa mga kondisyon ni Greta kung kaya't naudlot ang sustento nito sa kapatid.


“Merong nag-chika sa akin, dapat pala itong si Claudine ay sinusuportahan na raw ni Gretchen Barretto. Kaya lang medyo hindi nasunod yung gustong mangyari ni Gretchen,” panimula ni Ogie.



“Ah may kondisyon?” tanong ng co-host niya na si Mama Loi.


“Oo, para rin kay Claudine. Kaya lang, parang hindi yata ito nasunod ni Claudine at nasuway niya. So sayang ‘yung supposedly eh P500,000 a month na suporta nitong si Gretchen kay Claudine.


Kwento na ni Ogie, may mga kagustuhan daw na ibinigay si Greta kay Claudine, ngunit tila hindi ito sinunod ng bunsong kapatid nito.



“Yung idiretso lang ang buhay… Love naman ni Claudine at Gretchen ang isa’t isa. Kaya lang sa checklist ni Gretchen na gustong mangyari kay Claudine, eh merong hindi nagawa doon si Claudine. Kaya waley na ‘yung 500K,” pahayag pa ni Ogie.



Ayon sa usap-usapan, tila ayaw daw papasukin ni La Greta ang kanyang kapatid sa politika. Ngunit tumakbo parin ito bilang konsehal sa Olongapo City.



Ayon naman kay Ogie, ang dahilan umano ng pag atras ni Gretchen sa pagsustento ay dahil sa pagbabati nina Claudine at Marjorie Barretto.



Matatandaan may malalim na alitan sina Marjorie at Gretchen na matagal ng panahon.

Sa huling parte ng paguusap ni Mama Loi at Ogie sa kanialng vlog tungkol kay Claudine ay sianbi nito na sana ay tumabo sa takilya ang pelikula ni Claudine kasama si Mark Anthony Fernandez.



Narito ang video:

ad14



500k a month na sustento sana ni Gretchen kay Claudine bakit nga ba hindi natuloy?
Source: Pinoy Lang Sakalam

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento