Viral na viral parin ang kwento ng isang 84 anyos na matandang binata na si Lolo Nardo Flores sa social media.
Marami kasi ang nahabag ng makĂ¼lĂ³ng ang matanda dahil sa pagkulimbat umano nito ng sampung kilong mangga. Siya ay nakulong sa Asingan, Pangasinan police station ng higit isang linggo.
Ayon sa nagpakÅ«lĂ³ng sa matanda, walang paalam na namitas ng mangga ang matanda. Ang mangga ay sakop umano ng kanilang bakuran. Ngunit ng makausap naman ang matanda ay iba ang paliwanag at depensa nito.
Matapos magtrending ang kwento ni Lolo Nardo, marami ang talaga namang naawa na mga netizens kung kaya't bumuhos ang tulong para sa kanya. May mga artista pa nga at mga kilalang tao na nagbigay ng tulong sa matanda.
Kung kaya't marami ang naging interesado kung bakit nga ba nauwi sa pagkakakĂ¹lĂ²ng ang matandang binata.
Sa naging eksklusibong panayam sa kay Lolo Nardo, mayroon umanong nakiusap sa kanyang mga tao na pumitas ng mangga dahil namamakyaw umano ang mga ito. Pumayag umano siya sa alok na isang libong piso para sa sampung kilong mangga.
Pag uusisa ng reporter, bakit sya pumayag na pitasin ang mangga ng kapit bahay. Sumagot ang matanda "ipambibili ng pagkain at bigas"
Matagal na daw kasi siyang walang hanap buhay at nakikitira lamang siya sa kanyang kapatid kasama ang kanyang mga pamangkin. Nais niyang makatulong sa mga ito kahit papaano.
Iginiit naman ni Lolo Narding na tatay pa niya ang nagtanim ng puno ng manggang iyon bago pa ito lagyan ng bakod ng kanilang kapitbahay.
Narito ang video:
Tunay na dahilan ng pagkuha ni Lolo Nardo ng mangga, dumurog sa puso ng netizens.
Source: Pinoy Lang Sakalam
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento