Unti unti nang nabubunyag ang mganangyayari sa pagitan ng magkaibigang sina Francine Diaz at Andrea Brillantes.
Sa pinaka huling showbiz update kasi ni Ogie Diaz kasama ang kanyang partners sa online show na sina Mama Loi at Dyosa Pockoh, napagusapan nila ang isyu na kinabibilangan nina Andrea, Francine at Seth Fedelin.
Isa sa una nilang tinalakay ay ang nangyari di umano noon ABS-CBN Christmas Special.
Ayon sa batikang showbiz insider, “Nakarating lamang po ito sa atin ano? Pwede po kayong di maniwala, ito po ay nakarating lamang so kayo na pong bahala mag-confirm”
Sinabi ni Ogie na nagkaroon nga ng c0nflīct sina Francine at Andrea dahil kay Seth.
“Nung December 18 ata, Christmas Special ng ABS-CBN, eh parang nagkaroon pa ng di pagkakaunawaan itong si Blythe at Francine.
“Oo, dahil nakita niya na nagpa-picture itong si Seth, diba may SethDrea, na parang ginu-groom ng ABS-CBN na lumaking love team, wala pa yung FranSeth.
“Kasi nga si Kyle at Francine yung ine-establish. Eh ngayon ang nakarating sa amin, hiniritan ng glam team nitong si Francine si Seth na jumoin sa kanila sa picture taking. Tapos ayun nga, eh parang ikinagalit ito ni Blythe, ni Andrea. Kaya totoo ba ito? Nagkaroon ng suguran sa dressing room?” pagbabahagi ni Ogie.
Dagdag pa nito, “Sinugod daw nitong si Andrea itong si Francine, totoo ba yan? Parang ayaw yata ni Blythe na magkakaroon ng pagkakataon na makapagpa-picture yung dalawa kasi nga ang sabi sa akin ng mga taga-Blythe na source ko, eh iniingatan nga kasi ni Andrea yung love team nila ni Seth. Ayaw ni Andrea na maguluhan yung mga tao sa love team nila. Pero syempre diba, pag kaibigan mo naman yung tao? Kahit di mo ka-love team”
Totoo nga kaa ang mga haka hakang ito?
Narito ang buong video ng latest update nila Ogie Diaz.
Andrea Brillantes, kinòmprònta di umano si Francine Diaz sa dressing room!
Source: Pinoy Lang Sakalam
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento