Deretsahang sinagot ng ng Ex-Pbb housemate na si Anji Salvacion ang katanungan tungkol sa namamagitan sa kanial ni KD Estrada.
Sa isang episode ng PUSH Bets Live, ikinwento ni Anji ang tila pag iwas sa kanya ni KD ngayon.
Matatandaang naging housmeate sina KD at Anji sa sikat reality show na Pinoy Big Brother at doon ay talaga namang naging close ang dalawa. Marami sa taga subaybay ng naturang programa ang nakapansin sa sweetness nilang dalawa sa loob ng bahay.
Ibinahagi ni Anji na tila ba iniiwasan na siya ngayon ng kaibigan. Nagreunion ang kanilang batch sa ASAP at kinakausap pa sya umano ni KD doon.
Kung kaya't inakala umano ni Anji na okay sila dahil sa pagkikita nilang iyon. Ngunit matapos umano iyon ay naramadamn na niya na parang ayaw na siyang kausapin muli ni KD.
Hindi naman itinanggi ni Anji na sinubukan din niyang unang kausapin si KD. Ngunit wala daw itong naging sagot sa kanya.
Ani Anji, “I was expecting him to reach out to me to, to tell me, to enlighten me on what’s happening right now but he never did. And I’m quite a bit sad because I thought na okay kame pero pagkalabas na pagkalabas, ewan ko, I don’t know, naguguluhan din ako sa nangyayari."
Dagdag pa ng dalaga “It’s just very sad lang to think na I thought na everything was okay inside the house. Nakikita naman talaga ‘yun na super okay kami nung pag-alis niya. But then nung paglabas ko, ni ano message man lang wala.
“And I tried to reach out to him but the conversation did not end up like na dapat na we should converse about. Kasi dapat siya i-explain niya sakin, yung mga nangyayari, i-enlighten niya ako, pero hindi ‘yun nangyari. Iba po yung naging usapan and parang he’s like, doesn’t want to talk to me, so I give him na lang that space”
Narito naman ang naging reaksyon ng netizen tungkol sa issue.
Ex PBB housemate Anji Salvacion, inamin na nanlalamig na sakanya si KD Estrada.
Source: Pinoy Lang Sakalam
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento