Tila ba wala nang papantay sa naging bonggang selebrasyon ng kaarawan ng sikat na vlogger na si Ivana Alawi.
Dahil talaga namang mapapa sana all ka sa naging birthday celebration o birthday treat ng vlogger na ito sa kanyang pamilya at sarili.
Nitong nakaraang pasko lamang December 25, 2021 ay nagdiwang si Ivana ng kanyang ika-25 na kaarawan. Bilang pasasalamat sa panibagong taon ng kanyang pagkabuhay ay nagbook ang dalaga sa isang mamahaling hotel na Okada Manila.
Sa kanyang vlog, makikitang kasama ni Ivana ang kanyang buong pamilya, mga kasambahay at mga staffs. Umabot ng tatlong kwarto ang nabook nito para sa kanilang lahat.
Ngunit nagulat na lamang sila nang dumating sila sa mamahaling hotel na ginawa na lang palang isang malaking kwarto na may sariling pool at chef na magluluto para sa kanila.
Sobrang laki ng pag stayan ng pamilya ni Ivana, kaya naman tinanong nito agad kung magkano ang halaga nito sa kada araw na pag stay rito. At laking gulat ng vlogger ng sabihin ng staff na ang halaga ng kwartong iyon ay 1 million pesos per night.'
Ivana Alawi, ipinagdiwang ang kanyang kaarawan sa isang sosyal na hotel na P1 million per night!
Source: Pinoy Lang Sakalam
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento