Ads

Ogi Diaz at Daryll Yap, hindi nagustuhan at inokray at cochinillo ni Marvin Agustin!


Sa panahon nga kapaskuhan at baging taon usaong uso ang iba't ibang putahe na binebenta online. At dahil narin sa pandemya, nauso na ang pag deliver ng mga pagkain sa mismong bahay.



Dalawang sikat na personalidad ang tila ba hindi natuwa sa kalidad ng ibinebentang cochinillo o roasted piglet ng sikat na aktor na si Marvin Agustin. Ito ay matagal ng negisto ng aktor na kamakailan lang ay naging usap usapan dahil sa dami ng rekalmong natanggap mula sa kanilang mga costumers.


Unang una ng nag react dito ay ang batikang talent manager at showbiz columnist na si Ogie Diaz. Nagpost si Ogie sa Facebook noong December 26 lamang at sinabing naghahanap siya ng cochinillo o lechon seller na masarap talaga ang paninda at hindi umano 'budol' o sikat lang sa social media dahil sa ganda ng advertisment ng isang produkto, ngunit napakalayo naman sa reyalidad.

“Looking for cochinillo or lechon seller na masarap talaga at hindi budol. Any reco? Teka, hindi po yung seller ang kakainin ha?” pabirong sabi ni Ogie. 






Dahil kilalang owner ng restorant ang aktor na si Marvin, marami ang nagrekomendang netizens na subukan ni Ogie ang cochinillo ni Marvin Agustin.


"Marvin Agustin is the name!" komento ng isang netizen sa post ni Ogie.

“Natikman ko na yung cochinillo ni Marvin, baka lang hindi kami nagkasundo nung biik sa lasa. Hahaha! Kaya hanap uli.” Sagot naman ni Ogie

Tinag pa ni Ogie ang direktor na si Darryl Yap. “Ikaw, Darryl Yap?”




“Ogie Diaz hindi po ako nasarapan Mama Ogs, sobra sa mantika, kahit po ang sauce. Nag-feedback naman po ako, baka nataon lang din sa akin— charot,” tugon naman ng direk.

“Darryl Yap hahaha! Olaaaay kaaa, direk!” tugon naman ni Ogie.



Sa pinaka huling vlog ni Ogie nitong nakaraang Dicember 28, ay nagbigay payo si Ogie sa kapawa niya taga showbiz  na si Marvin, Sinabi nitong kung gusto niyang makabawi sa kanyang mga costumers at maibangon muli ang kanyang dignidad ay i-refund niya ang mga bayad nga mga nadisappoint sa cochinillo niya. At ito na ga ang naging topic nila sa vlog.




“Eh, kasi naman ‘Nay (tawag kay Ogie) sa pagkain relative ‘yan, eh. ‘Yung masarap sa ‘yo hindi masarap sa iba, ‘yung masarap sa iba hindi masarap sa ‘yo,” Pahayag ni mama Loi

“Ikaw ba nakatikim na?” tanong ni Ogie.

“Natikman ko na rin ‘yun,” sagot naman ni Mama Loi.

“Sino kasama mo?” untag ulit ng showbiz columnist-vlogger.

“Ikaw! Hahahaha!” natatawang sabi ni Mama Loi.


Natikman umano nila ang cochinillo ni Marvin sa isang birthday party.

“Tinikman natin ‘di ba? Totoo ba ito? Oo ‘di ba, grabe ‘yung hype, ‘yung press release, ‘yung marketing strategy na takam na takam si Marvin Agustin sa lechon tapos ng tinikman namin, ganito lang ‘to?”



Pati raw sauce ay mamantika rin at hindi nila nagustuhan.

Kaya sinabi ni Ogie kay Marvin na “Kung talagang gustong itayo ni Marvin ang kanyang dignidad, ang kanyang integridad at kung talagang sincere siya sa kanyang apology, sa kanyang statement na ito feeling ko dapat si Marvin ay i-refund niya ang bayad ng mga na-disappoint.”




“Yung mga tao na nag-expect ng too much from his cochinillo. Tingnan natin sa mga susunod na araw ay mag-update siya. Sana ang update ni Marvin ay, ‘Ito na po ‘yung mga nasoli naming bayad.”




“So, Marvin alam naman natin na ikaw ay isa nang chef at entrepreneur at ilan na rin ang mga restaurants mo na sabi mo nga, di ba, mas maganda kung ibalik natin ang mga tiwala ng customers natin,” aniya pa.




Sa ngayon ay wala pang update si Marvin tungkol sa mga issue na ibinabato sa kanya. Ang pinaka huling post lang ni Marvin ay ang paghingi ng paumahin at qoutes card para sa dismayadong  mga cosyumers sa kanyang Instagram account. Inamin naman ng business owner na si Marvin na may mga naging pagkukulang sila sa mga nagdaang mga araw dahil umano sa mga 'unforseen circumstances.' 





Nangako naman si Marvin na hindi na mauulit ang nangyari at mas pagbubutihan na nila sa susunod na panahon.




Ogi Diaz at Daryll Yap, hindi nagustuhan at inokray at cochinillo ni Marvin Agustin!
Source: Pinoy Lang Sakalam

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento