Ads

Toni Fowler, ipinasilip ang kanyang bago at mala palasyong bahay!


 Hindi na nga maitatanggi na isa si Toni Fowler sa pinaka sikat at pinaka mayamang vlogger sa ngayon. Kung kaya't hindi malabong makabili siya ng magagarbong bagay na meron siya sa ngayon.



Kamakailan lamang ay nagpost ang vlogger ng kanyang kauna-unaang vlog para sa taong 2022. At dito nga ay ipinasilip ni Toni ang kanyang pinakabagong bahay na para bang mansyon sa laki at garbo nito.


Tinawag nilang "TORO DE PALACIO" ang naturang bahay kung saan ay makakasama niya ang kanyang anak na si Tyronia mga malalapit na kaibigan at mga kasambahay na kasama na niya ng matagal na panahon.


Sinimulan ni Toni sa kanyang video sa pagpapakita ng garahe ng kanyang palasyo na tiyak na magkakasya ang sampung sasakyan. 



Napaka garbo ng harapan ng bahay ni Toni dahil ang itsura nito sa labas palang ay tila nasa palasyo kana talaga.


Pagpasok sa mismong bahay ay bubungad naman ang napakagarang hagdan.



Sumunod naman ay ang malaking sala. Dahil sa laki ng kanilang bahay, lahat umano ng parte ng bahay nila ay nilagyan nila ng floor mountain Aircon upang mapalamig talaga ang paligid.



Sumunod naman ang dining room nila na sinigurado niya umanong malaki at maraming upuan upang lagi silang magkabonding ng pamilya nila at hindi sla hiwa-hiwalay pag kumakain.



Ayon sa vlogger kakabili pa lamang niya ng bahay na iyon at balak pa niya itong pa renovate dahil may mga bagay na gusto pa siyang idagdag dito. Tulad ng dance room nila ni Tyronia.



Sinabi ni Toni na napakasaya umano niya dahil sa bagog milestone ng buhay nilang mag ina. At sana umano ay masaya rin ang kanyang mga taga subaybay sa bagong yugto ng kanilang buhay.



Narito ang kabuuan ng masayang vlog ni Mommy Oni.





Toni Fowler, ipinasilip ang kanyang bago at mala palasyong bahay!
Source: Pinoy Lang Sakalam

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento