Ads

Toni Fowler, niregaluhan ng 100k cash ang kanilang mabait at masipag na kasambahay!

Isa sa pinaka unang vlog na in-upload ng vlogger na si Toni Fowler sa kanyang Youtube channel ay ang pag sorpresa niya sa kanyang mga kasambahay na sina Mama Rose at Ate Anne.



Sa kanyang vlog nitong January 1, ay ipinakilala niya sa kanyang mga followers ang mag-ina niyang kasama sa bahay na nagmula pa sa Bicol.



Sinabi ni Toni na malaking tulong sa kanya ang mag ina lalong lalo na sa mga gawaing bahay. “For the first time po, si Mommy Oni ay nagkaroon po ng kasambahay dahil kailangan ko na po talaga ng tulong.”



Ang mag ina ay matagal-tagal na ring kasama ng TORO Family, simula noong sa condo pa lamang sila naninirahan. Hanggang sa makalipat na sila ng kanilang bagong bahay.



Tinawag nila ang kanilang bagong bahay na "ToRo De Palacio" kasama rin nilang magdiwang ng bagong taon sa nasabing bahay ang mag ina.



Kung kaya't sinalubong  nila ang bagong taon nang hindi kasama ang kanilang mga pamilya at ang Toro Family ang nakasama nila.



Pagbabahagi ni Anne, namimiss na niya ang kanyang pamilya sa Bicol. Ngunit masaya parin siya sapagkat kasama naman niya ang kanyang idol.



Matapos nga ang maikling introducton sa kanila ay sinorpesa na ni Toni ang mag ina ng tumataginting na 100 thousand pesos cash.

Ayon kay Toni, ito ay pasasalamat sa naitulong ng mag ina sa Toro family.



Saad ni Toni, “Alam kong nami-miss niyo ang pamilya niyo, Mama Rose at saka Ate Anne.

“At ngayong bagong taon, meron akong maliit na regalo para sa inyo.



“Yes, dahil diyan meron kayong 100 thousand pesos!”

Hindi mapagsidla ang tuwa ng mag-ina at sinabi ng mga ito na napakalaking tulong umano noon para sa kanilang pamilya.



Pagbibiro ni Toni, iyon na umano ang kanilang sahod ng sampung taon.

Panoorin ang kanilang masayang vlog dito.




Toni Fowler, niregaluhan ng 100k cash ang kanilang mabait at masipag na kasambahay!
Source: Pinoy Lang Sakalam

About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento