Hindi maipagkakailang labis na pinagusapan ang pangalan ni AJ Raval simula pa ng nakaraang taon.
Ito ay nagsimula ng madawit ang pangalan ng aktres sa hiwalayan ng mag asawang Aljur Abrenica At Kylie Padilla.
Isinapubliko kasi nina Aljur at AJ ang kanilang namumuong pagtitinginan kung kaya't hindi naiwasan ng mga netizens na magreact sa kanila.
Ngunit nilinaw naman ni Kylie na hindi si AJ ang dahilan ng hiwalayan nila ni Aljur at nakapag usap na sila ng dating asawa na maari silang magkaroon ng relasyon sa ibang tao dahil maayos silang naghiwalay.
Ngunt kahit na nilinaw ni Kylie ang lahat sa madla, ay hindi parin tinantanan ng mga båshérs si AJ. Kung anu anong natanggap na paratang ng aktres tulad ng "pòkpók", "kábét", "number 2", "home wrecker" at marami pang iba na masásákit na salita.
Dahil dito ay pansamantalang namahinga si AJ sa social media upang makahinga ng maluwag at mailayo ang sarili sa stress.
Ngunit nitong nakaraang Valentines day lamang ay naging mainit nanaman ang pangalan ni AJ at Aljur. Naispatan kasi ang dalawa sa isang hotel sa Leyte kung saan di umano'y nagdiwang ng araw ng mga puso ang dalawa.
Umaning muli ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang dalawa at sinabing hindi na naiya ang dalawa sa legal na asawa na si Kylie.
Ngunit nilinaw naman ng dalawa na trabaho lamang ang ipinunta nila roon. Ayon sa Kapamilya hunk, nagpalit lamang sila ng damit at kumain sa hotel na pinuntahan nila.
Nagbahagi pa nga si AJ ng mga larawan mula sa isang Facebook page kung saan ay kasama sila ni Aljur sa ribbon cutting ng isang radio station sa Leyte na Dorelco.
Ngunit kahit panay na ang paliwanag ng dalawa ay hindi parin talaga magtahimik ang ilan sa mga kritiko ni AJ.
Kung kaya't napapost na ito ng hindi maganda sa kanyang Facebook page.
Ayon sa young star, mas marami umano ang hindi nauunawaan ang kanilang sitwasyon at mas pinipili nalang umano ng marami na maging bòbò. Ini-welcome na niya ang kanyang mga bashers na magcomment lang sa kanyang post ng kahit na ano.
Narito ang ilan sa reaksyon ng mga bashers sa post niyang ito.
AJ Raval, may matapang na pahayag sa mga báshérs nila ni Aljur!
Source: Pinoy Lang Sakalam
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento