Broken hearted si Xian Gaza nang malaman ng balitang magpapakasal na ang kanyang ultimate at first ever crush sa showbiz na si Erich Gonzales.
Viral na viral kasi ngayon sa lahat ng social media sites ang naisapublikong wedding banns ni Erich at ng rumored boyfriend nito na si Mateo Lorenzo.
Ayon sa balita, nakapaskil ang wedding bann sa St. James the Great Parish sa Alabang, Muntinlupa City.
Nakasulat sa naturang bann na nakatakdang ikasal si Erich sa kanyang non-showbiz boyfriend sa March 23, 2022 sa St. James The Great Parish.
Naging pribado ang lovelife ng Kapamilya actress kung kaya't marami ang nagulat sa balitang pagpapakasal nito.
Isa nga sa labis na nabigla sa nalalapit na pagpapakasal ni Erich ay ang social media "Marites" na si Xian Gaza. Nagbahagi ng isang video ang isang Facebook page na ISYUS na pagmamay-ari mismo ni Xian ng isang video.
Makikita sa video na tila umiiyak ito nang malaman na ikakasal na nga ang kanyang celebrity crush. Saad sa caption ng video, “Sabi ni Boss di naman daw masakit, parang kagat lang daw ng langgam”
Sa isang post ni Xian sinabi niya na masaya siya para kay Erich at itinanong pa niya ang pangalan ng lalaking papakasalan ng aktres upang maipabillboard pa niya ito.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na unang nakilala si Xian nang magpagawa ito ng billboard, kung saan inaya niya si Erich para sa isang coffee date. Ngunit dedma lang rito ang Kapamilya actress.
Xian Gaza, iyak ng iyak nang malaman na ikakasal na si Erich Gonzales
Source: Pinoy Lang Sakalam
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento