Agaw atensyon ngayon sa social media ang singer na si Jake Zyrus dahil sa kanyang pinakabagong post sa kanyang instagram account.
Nagpost kasi ang sikat na singer ng kanyang topless na larawan at sobrang proud na proud ito dahil na-achieve niya ang ganitong katawan.
Kung kaya't sinabi niya na natatakot at matagal niyang pinag isipan kung i-popost ba niya ang nasabing larawan sa kanyang social media account.
Ayon kay Jake, "Pinag-isipan kong maigi kung ipo-post ko ba 'to. Kasi lagi kong iniisip kung anong sasabihin ng ibang tao. Sa ilang taon na nag-transition ako, masaya ako sa naging takbo ng buhay ko, pero lagi parin akong nai-insecure sa katawan ko. Siguro dahil na rin sa standard ng karamihan."
Dagdag pa niya, pagtawanan man siya ng maraming tao ay hindi naman alam ng mga ito ang pinagdaanan niya bago siya makakuha ng confidence na maipost ang kanyang larawan.
Inaalay umano niya ang kanyang post sa mga katulad niyang transgender upang magkaroon din sila ng confidence at maging proud sila sa kanialng mga sarili.
"Masaya ako at gusto ko lang ipakita sa inyo na eto ako. Sa wakas, komportable sa nakikita ko. Hindi ako humihingi ng opinyon. Para ito sa mga kapwa ko transgender. Kung naghahanap kayo ng sign o confidence para ipakita at maging proud sa kung sino ka, tara sasabayan kita. Para sayo to." Saad pa ng singer.
Narito ang kabuuan ng kanyang post.
Marami sa kanyang mga followers ang humanga sa confidence na ipinakita ni Jake. Marami rin ang nagpahayag ng kanilang kagalakan dahil nagagawa na ni Jake na ipakita ang totoong sarili ng walang takot at hindi iniisip ang sasabihin ng iba.
Topless photo si Jake Zyrus, labis na pinagkaguluhan ng netizens!
Source: Pinoy Lang Sakalam
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento