Naging trending topic nito lamang February 14, araw ng mga puso ang di umano'y pagpunta ni Aj Raval at Aljur Abrenica ng magkasama sa isang hotel sa Leyte.
Marami kasi ang nagsabi na doon umano sila nag stay sa hotel ng magdamag upang ipagdiwang ang Valentines day.
Kasama sa kanilang mga larawan ang ilang staff ng hotel and resort upang sila ay i-welcome.
Ngunit mariin itong pinabulaanan ni Aljur Abrenica at sinabing hindi sila nanatili sa hotel kung saan sila nakuhanan ng larawan.
Pag-amin ni Aljur, nagbihis at kumain lang umano sila sa doon sa hotel.
“We were invited sa cooperatives… sa may Leyte. Trabaho yun e. Pupunta ako. Kumain lang kami doon [sa resort]. Tapos nagbihis lang to freshen up para sa show. Tapos, siyempre, Valentine’s, nagkataon lang, tapos picture. Tapos, ang dating parang ilang araw kami doon,” aniya.
Samantala, nagbahagi naman si AJ sa kanyang Fcaebook account na mismong post ng Dorelco. Makikita sa mga larawan na kasama sila sa ribbong cutting nito na mababasa rin sa mahabang caption ng nasabing Facebook page.
Ayon sa ilang bahagi ng kanilang caption, “The two joined in the cutting of the ribbon held right after the blessing of the Radio Booth of the Station. They also rendered intermission number during the program.”
Dahil sa di umano'y maling impormasyong kumalat sa social media, ay nagpost naman ang aktres sa kanyang Facebook account na tila hindi na natutuwa sa natatanggap niyang hĂ¥te mula sa mga netizens.
Nais iparating sa post ng young actress na marami ang hindi nakakaunawa sa kanilang sitwasyon. Hinimok pa nya ang kanyang mga bĂ¥shÄ—rs na wag ng mahiya ang mga ito na ilabas nag galit sa kanya.
Aljur Abrenica, inamin na ang totoong ginawa nila ni AJ Raval sa hotel noong Valentines day.
Source: Pinoy Lang Sakalam
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento