Ads

BIR, iimbestigahan ang couple na nag-delete ng channel at kumita ng 50M - 100M sa vlogging.

Nito lamang ay naging usap-usapan ng marami ang pag anunsyo ng pamahalaan na susuyurin nila ang mga vloggers na kumikita sa internet at aalamin at sisingilin ang mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Ang mga vloggers na ito ay nahahanay sa kategoryang "self-employed" kung kaya't nararapat lamang na magbayad sila ng buwis. Ayon sa BIR labing dalawang porsyento o 12% ang dapat na napapataw sa mga kinikita ng mga ito.


Marami ang nagreact at naalala ang kanilang mga iniidolong vloggers kung nagbabayad nga ba ang mga ito ng tamang buwis.

Sa isang post ng Facebook page ng Manila Bulletin, ibinunyag ng Bureau of Internal Revenue na mayroon silang "couple" na iniimbestigahan sa ngayon na sinasabing kumita ng 50 milyon hanggang 100 milyon sa loob lamang ng dalawang taon sa pamamagitan ng pagvo-vlog. 

Sinasabing binura ng mga ito ang kanilang Youtube channel upang makaiwas sa pagbabayad ng tax.

Ayon pa sa ahensya sa sobrang laki ng kinita ng couple na ito ay nakakabili ito ng mga mamahaling gamit tulad na lamang ng mga luxury cars at nakapagpagawa ng mansion.


Sinabi rin nito na ang nasabing couple ay kaagad na binura ang kanilang channel dalawang araw matapos mag anunsyo ni BIR Commisioner Ceasar R. Dulay na hahabulin at sisingilin nila ang mga vloggers at social media influencers na hindi nagbabayad ng buwis.

Hindi naman nagbigay ng panagalan ang BIR kung sino ang tinutukoy nilang couple na vlogger na ito.

Ngunit marami ang mga nag komento sa nasabing post ng Manila Bulletin at nagbigay ng kanilang hula kung sino nga ba ang couple na sinasabi ng BIR.

Ayon sa kanila ang vlogger na Jamill na binubuo ni Jayzam Manabat at Camille Trinidad umano ang nais tukuyin ng BIR.

Matatandaang kamakailan lang ay napabalitang nagbura ng kanilang Youtube channel ang magkasintahan.


Ayon sa kanila tampuhan ang dahilan ng pabura ng kanilang channel.

Bukod pa rito nais na nila umano ng simpleng buhay at mas gusto nilang sila nalang ang nakakaalam at nakakakita sa kanilang relasyon.

Ngunit iba ang sinasabi ng ilan sa mga netizens. May Ilan na nagsasabing nais lang takbuhan ng magakasintahan ang mga hindi nila nabayarang tax sa mga nakalipas na taon.

Narito ang komento ng ilan sa mga netizens.












About admin

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento